Taga Kidapawan, top 5 sa PMA class 2019
Isang taga North Cotabato ang napabilang sa Top 10 ng Philippine Military Academy MABALASIK Class of 2019.
Si Aldren Maambong Altamero, 24 anyos na taga barangay Balabag Kidapawan City ay isa ding dean’s lister sa University of Southern Mindanao Kidapawan City Campus. Siya ay nag-aral ng apat na taon at sumailalim sa pagsasanay sa Phipilippine Military Academy sa Baguio City.
Si Altamero na bunso sa tatlong magkakapatid ay kasalukuyang naninirahan sa Kidapawan City, wala na ang kanyang ama at nakauwi na rin sa lungsod ang ina nito mula sa ibang bansa.
Siya ay nakatakdang umuwi sa Kidapawan City pagkatapos ng Commencement Exercises ng PMA sa May 26, 2019.
Bukod sa matalino ay kilala din siya bilang isang matulungin dahil nagpapadala din umano ito mula sa kanyang allowances sa kanyang mga kamag-anak habang nag-aaral sa Maynila.
Si Altamero ay nakatakdang pumasok bilang 2nd Lieutenant sa Philippine Air Force.
Ang tagumpay ni Altamero ay nagpapakita ng angking galing at talino ng mga taga Kidapawan City.