Upland rice farming, isinusulong ni dating DA Sec. Piñol
ISINUSULONG NI DATING Agriculture Secretary Emmanuel “Manny” Piñol ang upland rice farming sa bansa, lalo na sa Mindanao bilang hakbang na matiyak ang sapat na pagkain kahit nagbabadya ang tagtuyot o El Nino.
Sa isang news conference sa Davao City, ipinresenta ni Piñol ang kanyang proposed upland farming na tinawag niyang “Kalahating Ektarya sa Bawat Pamilya."
Aniya, isinusulong ng programa ang paggamit ng hybrid at inbred rice seeds, pagsasaayos ng irrigation systems, at sapat na fertilizer supply mula DA bilang paghahanda sa posibleng rice shortage dahil sa El Nino.
Sa tulong ng Pag-asa, sinabi ni Pinol na malalaman kung saan ang mga lugar na matindi ang epekto ng El Nino at ang mga lugar na hindi maapektuhan at dito ibuhos ang programa.
Ito aniya ang best option sa halip na mag-import ng bigas.
Nakikinita ni Pinol na hindi solusyon ang imported rice, lalo pa at ang India at iba pang rice producing countries ay tumigil na din sa pag-export ng bigas.