Utility worker ng STI College, huli sa Koronadal drug buy bust

News in Briefs  • Sat Jul 1, 2017 10:59 AM  •  71   0
By Karl Mike Tabingo/Radyo Bida Koronadal
  • Your Reaction:
  • Bida
  • Kontra Bida
  • Happy
  • Unhappy
KORONADAL CITY – Huli ang isang utility sa buy bust operation ng pinagsanib na pwersa ng Koronadal Drug Enforcement Unit, City Anti-Drug Abuse Council at Koronadal City PNP sa confessor Street, Barangay Zone 3, Koronadal City pasado alas 4:00 kahapon ng hapon.

Kinilala ni Koronadal City Anti-Drug Abuse Council Action Officer Glorio Sandig ang suspect na si Marflou Perez Rufino 39 anyos, may asawa at residente ng Barangay Concepcion.

Nakuha sa suspect ang 1 small pack, 3 medium pack at 1 big pack ng suspected shabu at P500 markrf money.

Todo tanggi naman si Rufino na kanya ang mga nakuhang droga ngunit aminado ito na gumamit sya ng droga noon.

Dagdag pa ni Sandig na matagal nang binabantayan ng kanilang grupo si Rufino at nasa watchlist narin ito. Pawang mga estudyante ang kustomer.

Nabatid ng Radyo Bida na 10 years nang utility sa STI college Koronadal ang suspek. Ang kanyang misis ay nagtrabaho sa abroad at meron siyang 2 mga anak.

Nahaharap naman sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive dangerous Drugs Act of 2004 ang suspect.

No automatic alt text available
  • Your Reaction:
  • Bida
  • Kontra Bida
  • Happy
  • Unhappy