VP Sara binisita ang lamay ng nasawing 4 na sundalo sa Camp Siongco
Peace and Order • 16:30 PM Mon Mar 18, 2024
458
By:
DXMS
COTABATO CITY - PERSONAL na binista ngayong hapon ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang mga labi ng apat na sundalong nasawi sa ambush sa Maguindanao del Sur.
Sila ay naka burol ngayon sa chapel ng 6th ID sa Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.
Isa-isang kinausap ni VP Sara ang mga naulilang pamilya ng apat na sundalo. Kasama rin ni VP Sara ang mga matataas na opisyal ng Philippine Army sa pagbisita.