Tuesday Apr, 30 2024 02:21:26 PM

NDBC BIDA BALITA (Aug. 19, 2016)

 • 16:35 PM Fri Aug 19, 2016
1,178
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

AUGUST 19,
2016 (FRI)
7and00 AM

HEADLINESand

1. DUTERTE, personal na nakiramay
sa pamilya mga sundalong sa 6th ID2. HALAGA ng mga nakumpiskang iligal na
droga sa Region 12, umaabot na sa mahigit siyam na milyong piso

3. Tatlo katao, arestado sa anti-drug drive sa Cotabato City4. 14 na ang patay dahil sa dengue sa South Cotabato sand//scontent.fceb2-2.fna.fbcdn.net/v/t1.0-9/14051555_10205033184867635_2522395598781911167_n.jpg?oh=17feb7a12586c1752434ca068049550candampoe=58541A6E (Bernadette Maribojo of DXMS-AM Radyo Bida in an ambush interview with President Duterte - Photo by Ferdinandh Cabrera) NA-SORPRESA, natuwa at naging emosyunal
ang mga kaanak ng dalawang mga sundalong nasawi sa isinagawang joint operation ng
mga sundalo at pulis laban sa isang Madrox Masagal sa Midsayap, North Cotabato
noong August 14, 2016.

Personal kasi dumalaw at nakiramay si
Pangulong Rodrigo Duterte sa pamilya ng mga nasawing sina Corporal Josel
Miravalles at PFC Jay Pee Duran.

Magkahalong emosyon ang naramdaman ng
mga ito nang kausapin sila ng pangulo.

Sabi ng misis ni PFC Duran na si Honey
masakit para sa kanya na iniwan sila ng kanyang mister pero SALUDO siya sa
kanyang mister na nagbuwis ng kanyang buhay para sa bayan.

Ginawaran naman ng Triple Military
Merit Medal ang naturang mga sundalo dahil sa kanilang kagitingan.

Nangako rin ang pangulo na tutulungan
ang mga naulilang pamilya ng mga nasawing sundalo at pulis sa naturang
insidente.

Binisita rin ng Pangulo ang walong mga
sugatang sundalo mula sa 62nd reconnaissance company.

Pasado alas kwatro ng hapon kahapon
nang dumating ang pangulo sa kampo ng Arm’ys 6th Infantry Division sa Brgy.
Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Matapos makausa ang mga balo, humarap siya sa mga sundalo ng 6th ID at
nagbigay ng mensahe.

Giit ni Duterte, seryoso ang gobyerno
sa pakikipag-usap at pakikipag-ugnayan sa iba't ibang grupo ng mga rebelde para
makamit ang pang-matagalang kapayapaan sa bansa.

Binigyang diin din ng Pangulo na nais
niyang matigil na ang digmaan para sa kapakanan ng mga susunod na henerasyon.

Muli ring binigyang-diin ng pangulo na
suportado ng pamahalaan ang lahat ng mga pangangailangan ng mga sundalo at
pulis, mula sa kanilang mga sweldo hanggang sa kanilang mga kagamitan.

Ayon kay Duterte, nitong Agosto ay
naramdaman na ng mga sundalo ang pagtaas ng kanilang sweldo kasabay ng
paghihikayat na mas lalong pagbutihin ang kanilang trabaho.

Pagtitiyak pa ng Pangulo, walang
mangyayaring korapsyon sa ilalim ng kanyang administrasyon, lalo na't hindi ito
panahon ng mga mayayaman at abusado.
TATLONG
indibidwal ang nadagdag sa listahan ng mga nadakip ng Cotabato city PNP sa
patuloy na kampanya nito kontra iligal na droga sa lungsod.

Maghahating
gabi nitong Martes nang madakip sa SK Pendatun Avenue ang isa sa mga suspek na si
Harrison Balase, 26 years old at taga-Purok Katahamikan, Barangay Rosary
Heights 6 nang makuhanan ng isang sachet ng shabu at drug paraphernalia.

Sunod na
dinampot ang isa pang suspek na si Aldren Odin Mabandes, 18 years old sa
kaparehong lugar kung saan nakuha naman sa kanya ang pitong sachet ng
pinaniniwalaang shabu.

Pasado alas
dose naman ng madaling araw nang sitahin din ng otoridad ang isang babae sa
Bonifacio Street, Barangay Poblacion Sais.

Kinilala ang naturang
suspek na si Jovelyn Mendoza Caspillo, 22 at taga-South Upi, Maguindanao.

Nakuha mula
sa posisyon ng suspek ang isang sachet ng shabu at drug paraphernalia.

Gabi-gabi ay
patuloy na nagroronda ang mga pulis sa lungsod kasama si city vice mayor Atty. Cynthia
Sayadi bilang suporta sa idineklarang gera laban sa iligal na droga ni
Pangulong Rodrigo Duterte. PUMANAW
NA ang isang inmate sa Police Station 1 ng Cotabato city na isinugod sa
pagamutan noong madaling araw ng August 15.

Tuluyan
nang binawian ng buhay kanilang madaling araw si Terry Membra Osmeña, 47 years
old, may asawa at taga- SK Pendatun Avenue Extension, Mother Barangay Poblacio,
ng lungsod.

Isinugod
sa pagamutan si Osmeña nang nanikip ang dibdib nito at nahirapang huminga.

Ilang
araw din siyang sinubukang gamutin sa ospital pero hindi na nasagip pa ng mga
doktor ang kanyang buhay.

Nabatid
na naaresto si Osmeña noong June 27, 2016 sa bisa ng isang warrant of arrest
para sa kasong paglabag sa Republic Act 9516 o Illegal Possession of
Explosives.

Agad
namang inuwi ng kanyang mga kamag-anakl ang mga labi ni Osmeña para mabigyan ng
maayos na libing.

TINALAKAY
ang kasalukuyang peace and order situation ng Cotabatop city sa isinagawang City
Peace and Order Council Meeting kahapon.

Sa
naturang pagpupulong na pinangunahan ni vice mayor Mayor Atty. Cynthia Sayadi,
ay kinilala rin ang tagumpay ng Cotabato City PNP sa pangunguna ni Sr. Supt.
Danny Reyes, dahil sa naitalang pagbaba ng crime rate sa lungsod.

Batay
sa talaan ng city PNP, mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon, nabawasan ng 13%
o katumbas ng labing anim ang kaso ng pamamaril kung ikukumpara noong nakaraang
taon.

Nabatid
na abot na rin sa 94 na mga indibidwal ang mga nadakip na drug personalities habang
abot naman sa 1,427 ang bilang ng mga surrenderee.

Sa
parehong pagkakataon ay binigyan din ng pagkilala bilang Best Public Safety
Company sa buong rehiyon dose ang City Public Safety Company dahil sa
matagumpay nitong mga operasyon at sa patuloy na police visibility sa oras ng
pagpapatupad ng curfew hours. Abot sa mahigit P9.5 million pesos na halaga ng iligal na droga ang nakumpisa ng mga pulis sa buong region 12 mula July 1 haggang August 15.
Ayon kay Police Regional Office 12 Information Officer, Superintendent Romeo Galgo, ito ay dahil na rin sa pakikipagtulungan sa kanila ng militar at Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA.
Pinasalamatan din ni Galgo ang pakikiisa ng mga local government units na malaki ang naitulong sa matagumpay na anti illegal drug operation ng mga otoridad.
Ayon kay Galgo ang mga kontrabando na nakumpiska ng mga pulis ay gagamitin bilang ebidensya laban sa mga kinasuhang drug personalities.
Nabatid na sa ngayon abot na sa mahigit 22,000 na mga drug personalities ang nag-resurfaced sa buong region 12.Mahigit 50 wanted sa iligal na droga ang natimbog ng pinagsanib na pwersa ng PNP, military at PDEA sa rehiyon.
Nakatuklas din ng may 1000 puno ng marijuana plants sa iba’t ibang lugar sa region 12 ang mga otoridad.
Ayon kay Galgo ito ay ipinagpasalamat naman ng mga PNP sa mga mamamayan na hindi nagatubiling isumbong sa mga otoridad ang mga marijuana plantation sa kanilang lugar.
Abot na sa 14 katao ang nasawi dahil sa sakit na dengue fever sa lalawigan ng South Cotabato.
Ito ay batay naman sa datus ng Provincial Epediomology and Surveillance o Unit o PESU mula Enero haggang August 13.
Pinakahuling nasawi dahil sa dengue ang isang taga Tantangan, South Cotabato.
Naitala na nasawi dahil sa dengue ang tig apat katao sa mga bayan ng Surallah at Tupi, 3 sa Koronadal, at tig isa sa mga bayan ng Banga at Surallah.
Sa ngayon abot na sa 3008 ang nagkasakit ng dengue sa South Cotabato na mas mataas ng 69 percent sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming kaso ng dengue ang bayan ng Tupi na mayroong 664, pangalawa ang Koronadal na may 634, 427 sa Surallah, 267 sa Banga, 212 sa T’boli, 171 sa Polomolok, 163 sa Norala, 162 sa Sto. Nino, 158 sa Lake Sebu, 81 sa Tampakan na pinakamababa naman sa buong lalawigan.
Sampung mga barangay din ang tinukoy ng PESU bilang dengue hot spots matapos makapagtala ng hindi bababa sa tatlong kaso ng dengue bawat lingo.
Kabilang sa mga barangay na ito ang Morales, Zone III at Sto. Nino sa Koronadal Poblacion at Simsiman sa Norala Libertad sa Suralla at Crossing Rubber, Bunao, Tubeng at Acomonan sa bayan ng Tupi.
Nauna nang nananawagan si South Cotabato Provincial Health Officer Dr. Rogeli Aturdido Jr sa mga mamamayan na pinakabisang paraan pa rin para maiwasan ang dengue ang pagpapanatili ng malinis na kapaligiran.
Payo ni Aturdido sa publiko linisin ang mga kanal, aluluod ng bahay at itapon ng maayos ang mga tansan, bao ng niyog , lumang gulong at iba pang basurang maaring maipunan ng tubig at pamahayan ng lamok na magdadala ng sakit na dengue fever.
Hindi na mahihirapan pa na magbigay ng serbisyo sa mga malalayong Sitio ang mga Barangay Health Workers sa South Cotabato.
Ito ay matapos mabigyan ng motorsiklo ng pamahalaang panlalawigan.
Ang motorsiklo na nagkakahalaga ng mahigit P1.6 million ay ibinigay sa 18 mga barangay.
Kabilang sa mga nakinabang dito ang mga Barangay ng Buto at Poblacion sa Tampakan General Paulino Santos, Topland, Zone 4, Santa Cruz at Caloocan sa Koronadal City at Dumaguil at Liberty sa bayan ng NOra.
May magagamit na ring motorsiklo ang mga Barangay Health Workers sa Libertad at Centrala sa Surallah Poblacion at Cannery sa Polomolok mga barangay Poblacion sa T’boli at Tantangan Cinco at Rizal Poblacion sa Banga at Poblacion sa Sto. Nino.
Ayon kay South Governor Daisy Avance Fuentes layon ng pagbibigay ng motorsiklo ay upang may magamit sa pagpunta sa mga malalayong lugar ang mga Barangay Health Workers.
Ipinahayag naman ni General Paulino Santos Koronadal Barangay Chairman Margarita Subaldo na malaking tulong ang mga motorsiklo para sa pagpapaigting ng serbisyong pangkalusugan ng mga BWH.
Walong buwan matapos ipasara, muling pinayagan ng Provincial Mining ang Regulatory Board o PMRB South Cotabato ang pagbubukas muli ng quarry operation sa Taplan River sa Barangay Topland Koronadal City.Inirekomenda ng PMRB ang re-opening ng quarry site matapos lumabas sa kanilang assessment na may mayroon nang sapat na quarry materials o buhangin na makukuha sa lugar.
Pinayagan ng PMRB na pinayagan na mag-quarry sa Topland quarry site ang anim na mga quarry operators na nabigyan ng permit.
Gayunpaman, inatasan din ng PMRB ang mga quarry operators na itigil ang kanilang operasyon, kapag naabot na ng mga ito ang approved volume capacity na 42,000 cubic meters.
Ito ay ayon kay Provincial Environment and Management Officer Seigfred Flaviano.
Ayon kay Flaviano mahalaga ang quarry operation upang makaagapay sa pagdami rin ng mga ipinatatayong proyekto kasabay ng patuloy na pagunlad ng South Cotabato.
Inalam pa ng mga otoridad ang sanhi ng pagpapatiwakal ng isang maguuling sa liblib na Sitio ng Eel Nalam, barangay Assumption, Koronadal City.
Kinilala ni Assumption, barangay Kagawad Alejandro Pinto ang biktima na si Leo Pandat, 33 anyos, hiwalay sa asawa at residente din sa lugar.
Ayon kay Pinto ang wala nang buhay na katawan ni Pandat ay natuklasan na lamang ng ilang mga residente na nakalambitin sa puno ng mangga may apat na kilometro mula sa kanilang bahay.
Napansin din ng ilang mga residente sa lugar ang tila mabigat na problema na dinala ng biktima nang huli itong makitang buhay kamakalawa ng hapon.
Hinala naman ng mga kaanak ni Pandat, maaring nagpatiwakal ito Myerkules ng gabi ilang oras bago natuklasan kahapon ng tanghali.
Nangako ang PNP na palalakasin pa ang kampanya kontra iligal na droga at mga armas.
Ito ang ipinihayag ni Police Regional Office 12 Information Officer, Superintendent Romeo Galgo, sa Radyo Bida Koronadal matapos maaresto ang isang barangay Chairman at kagawad nito sa Polomolok, South Cotabato.
Kinilala ni Galgo ang naaresto na si Barangay Chairman Labuyo Akim Bansil ng Barangay Sumbakil, Polomolok, South Cotabato.
Nakuha ng mga pulis mula kay Sumbakil ang isang shotgun, isang magazine, mga bala, 9 mm pistol, at Pietro baretta na pagaari umano ng PNP.
Arestado din si Sumbakil Barangay Kagawad Abdulwahab Adam alyas Karim Adam, matapos makuhanan ng isang shot gun at 13 bala nito.
Kabilang din sa inaresto ang kasama nina Bansil at Adam na si Kasid Mangulamas na nagtago ng isang paltik na 12 gauge shot gun at bala nito.
Di rin nakaligtas sa mga pulis si Venzar Pasigue, matapos makuha sa kanya ang 45 pistol, Llama max na baril,38 revolver at 12 gauge shot gun.
Isinagawa ng Regional Public Safety Batallion o RPSB 12 at Polomolok PNP ang paghuli sa mga suspek sa bisa ng Search warrant ng korte.

Cotelco announces labor day brownout in Mlang

TO OUR VALUED MEMBER-CONSUMER-OWNERS (MCO): This is to inform you that we will have an EMERGENCY power interruption on the following scheduled...

NDBC BIDA BALITA (April 30, 2024)

HEADLINES 1   Barangay Kagawad patay, driver sugatan sa ambush sa  Datu Hoffer, Maguindanao Sur 2   MILF, MNLF na...

Cotabato Light: NGCP scheduled power interruption affects Cotabato Light franchise area

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company (Cotabato Light) today announced the NGCP scheduled power service interruption on Sunday, April...

Marcos cites 6th ID’s peacebuilding efforts

COTABATO CITY - President Ferdinand Marcos, Jr., on Monday lauded the Army’s 6th Infantry Division for its unrelenting anti-terror campaign and...

PBBM urged Bangsamoro to vote in 2025 parliamentary polls

BARIRA, Maguindanao Norte — President Ferdinand R. Marcos Jr. urged the residents of the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM...