Monday May, 13 2024 08:14:00 PM

Welder patay, 3 pa sugatan sa shooting sa sabungan

Local News • 21:30 PM Sat May 4, 2019
889
By: 
Roel Osano
Ang mga sugatang biktima (DXOM)

Kinilala ng Koronadal City PNP na pinamumunuan ni Police Lt. Col Rey Egos ang nasawing welder na si Reynan Pagdato 54 anyos na nagmamay ari din ng tindahan sa compound ng Koronadal Sports Complex sa barangay, Sto. Nino, sa syudad.

Si Pagdato ay agad na binawian ng buhay sa pamamaril ng tatlong mga salarin na bigla na lamang umanong pumasok sa sabungan alas dyes y medya kagabi.

Sugatan din sa insidente si Harry Depito 15 anyos estudyante na kritikal ngayon ang kondisyon dahil sa tama ng bala ng baril sa ulo.

Nagpapagaling din sa iba’t ibang mga ospital sa Koronadal ang mga sugatan sa insidente na sina Johnreal Alverio, 22 anyos, laborer at Mark John Berameda, 12 anyos, pawang mga nakatira sa Barangay Sto. Nino sa syudad.

Ayon sa ina ng isa sa menor de edad na tumangging magpakilala, ang mga sugatang biktima ay suma-sideline bilang tagabantay ng mga nakaparadang sasakyan ng mga pumapasok sa sabungan.

Hindi pa batid ng mga pulis kung sino ang tatlong mga suspek at ano ang motibo ng mga ito sa pamamaril.

Cotelco announces power interruption for May 14 in Kabacan

TO OUR VALUED MEMBER-CONSUMER-OWNERS (MCO): This is to inform you that we will have a SCHEDULED power interruption on the following scheduled date...

Suspected 'false killer whale' sighted in SarBay

KORONADAL CITY - The Protected Area Management Office of Sarangani Bay Protected Seascape (PAMO-SBPS) reported the sighting of a suspected ‘false...

PNP eyes transfer of slain cop's case out of Maguindanao Norte

MANILA – The Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) is studying the possibility of transferring the venue of the...

Cotabato Light announces NGCP scheduled power interruption on May 19

What: NOTICE OF NATIONAL GRID CORPORATION OF THE PHILIPPINES POWER INITIATED POWER SERVICE INTERRUPTION When: Sunday, May 19, 2024 | 7:00 - 8:00...

NDBC BIDA BALITA (May 13, 2024)

HEADLINES 1   SOCCSKSARGEN athletic meet 2024, simula na ngayong araw sa Gen Santos City; games schedule binago upang iwas heat stroke...