Buntis na patungo ng ospital nanganak sa isang tricycle sa Koronadal
Local News • 20:45 PM Wed Feb 19, 2020
2
By:
Mark Jamillo/DXOM-AM Radyo Bida Koronadal
KORONADAL CITY, South Cotabato- Hindi na umabot sa ospital ang isang ginang matapos abutan ng panganganak sa loob mismo ng isang tricycle sa Barangay Santa Cruz, Koronadal City pasado alas kwatro ng madaling araw kanina.
Kinilala ang ginang na si Manilyn Gaitera.
Ayon sa pinsan nitong si Jerrylyn Solamillo, patungo na sana sila sa ospital nang makaramdam ng pananakit ng tiyan ang buntis na si Gaitera.
Pero sa tricyle pa lamang hindi na nakagpigil ang ginang at doon na nanganak ng malusog na babaeng sanggol.
Si Gaitera at sanggol nitong pinangalanang si Habibity Althea ay nasa ligtas ng kalagayan sa South Cotabato Provincial Hospital.