Wednesday May, 08 2024 09:25:56 AM

Construction worker, patay matapos mahulog sa overpass sa Koronadal

Local News • 06:00 AM Fri Feb 21, 2020
1
By: 
Grace Toreta/Radyo bida
Nakahiga sa tabi ng kalsada si Mark Bitchayda matapos na siya ay mahulog mula sa overpass. (Photo by Jeaber Barboza)

KORONADAL CITY, South Cotabato - Pumanaw na ang construction worker na nahulog sa overpass kahapon  sa kahabaan ng Alunan Avenue.

Ayon kay Police Staff Sergeant Lyndel Villaflor, investigator-in-charge ng Koronadal City PNP, ang biktima ay kinilala na si Vince Mark "Mikko" Bitchayda, 28 anyos, single at residente ng Purok Aguinaldo, Barangay Lapuz, Norala, South Cotabato.

Tinatayang nasa 15 metro ang taas ng overpass kung saan nahulog si Bitchayda.

Dagdag ni Villaflor, nakuryente umano ito sa live wire habang nagpipintura na naging dahilan ng pagkahulog nito.

Nabatid na walang gamit na safety belt si Bitchayda at wala din itong suot na helmet.

Agad naman isinugod sa South Cotabato Provincial Hospital ang biktima para gamutin.

Dadalhin sana sa DAvao City hospital si Bitchayda subalit binawian rin ito ng buhay habang ibinabiyahe.

 

NDBC BIDA BALITA (May 8, 2024)

HEADLINES 1   MINDANAO PEACE process, posibleng maaapektuhan kung sakaling matalo ang MILF sa 2025 elections, ayon sa isang political...

Soccsksargen niyanig ng Magnitude 4.8 na lindol

NIYANIG NG Magnitude 4.8 ang Saranggani, South Cotabato at Sultan Kudarat kanina. Ayon sa Phivolcs, ang lindol ay tectonic in origin at...

Energy Conservation Tips - Air Conditioner for Cotabato Light

Kuryentalks: Energy Conservation Tips - Air Conditioner 1. Set a comfortable temperature on your thermostat. When using an air conditioner, set...

Thousands displaced as rival Moro groups clash in Maguindanao del Sur

COTABATO CITY --- Local officials are struggling to disengage two feuding Moro factions in Mamasapano town Maguindanao del Sur that clashed again...

USM professor, nag-public apology sa pag-angkin ng thesis ng isang USM student

Public Apology ng dating university professor sa kanyang estudyante dahil sa pangongopya nito sa kanyang thesis. Naglabas ng kanyang public...