Saturday May, 18 2024 03:09:45 PM

Jolo suicide bombing, posibleng gawa ng Egyptian na may Moroccan descent

Mindanao Armed Conflict • 11:15 AM Tue Aug 25, 2020
896
By: 
Edwin O. Fernandez
Shared photo of blast site

ISANG Egyptian national na mayroong Moroccan descent ang babaeng suicide bomber na nasa likod ng pagsabog sa Jolo, Sulu.

Sinabi ito ni National Studies Expert Professor Rommel Banlaoi at ibinatay niya ang pahayag sa report na kanilang natanggap.

Ayon kay Banlaoi, maaring bahagi ng “family terrorism” ang nangyari at posibleng ang babaeng suicide bomber ay ang anak ng isang Egyptian na bomber.

Ang naganap sa Jolo kahapon ay pang limang insidente ng pambobomba na itinuro sa Egyptian nationals na nasa Sulu, ayon kay Banlaoi at posibleng magkakaugnay lahat. 

Sa panayam ng Phil. Daily Inquirer Banlaoi, sinabi niya na ang una ay naganap sa Lamitan na ang nasa likod ay isang German national na may Moroccan descent. Sumunod sa Indanan na ang nasa likod ay isang Pinoy at Indonesian bomber. Ikatlo ay ang nangyari sa Jolo Cathedral na isang Moroccan din ang nasa likod.

Nagkaroon pa ng tangkang pagpapasabog na isang babaeng Egyptian bomber ang suspek. At ang ikalima ay ang nangyari kahapon sa Jolo.

Sinabi ni Banlaoi na lumalakas ang isyu ng family terrorism sa bansa. Maari aniyang sinamantala ng mga terorista ang pagka-abala ng mga otoridad sa ibang gawain gaya ng pagtugon ng bansa sa problema sa COVID-19.

 

Sulu Gov. Sakur Tan to seek BARMM office of chief minister

INANUNSYO ng Bangsamoro Grand Coalition o BGC ang kanilang pag-endorso kay Sulu Governor Abdusakur Tan na tumakbo bilang BARMM Chief Minister sa May...

5 preso nakatakas sa Parang detention facility, tulong ng publiko hiniling ng PNP

Nanawagan ang mga otoridad sa Parang, Maguindano del Norte na makipagtulungan sa kanila kung sakaling may mga nakakita sa mga lalaking nasa larawan...

NGCP scheduled power interruption for May 19 cancelled

What: CANCELLED NOTICE OF National Grid Corporation of the Philippines POWER INTERRUPTION When: Sunday, May 19, 2024 | 7:00 - 8:00 AM | 5:00...

Cotabato Light: Increased generation costs lead to a rise in the overall electricity rate

COTABATO CITY - The overall residential rate of Cotabato Light & Power Company (Cotabato Light) increased by P1.90 per kilowatt hour (kWh)...

Lalaking taga Cotabato City patay sa pamamaril sa Sultan Mastura, Maguindanao Norte

PATAY on the spot ang lalaking naka motor nang pagbabarilin ng mga gunmen sa Sitio Amadeo, Brgy. Boliok, Sultan Mastura, Maguindanao del Norte,...