Sunday May, 19 2024 03:11:57 AM

Higit P1.6 million na halaga ng illegally cut woods, nakumpiska sa Barira Maguindanao.

Climate Change/Environment • 12:30 PM Mon Oct 3, 2022
1
By: 
DXMS Radyo Bida Cotabato

COTABATO CITY - Abot sa 20,748 board feet ng iba't ibang dimensions ng mga red at white Lauan lumbers ang nakumpiska ng Marine Battalion Landing Team-5 katuwang ang Barira MPS, MENRO-Barira, Ministry of Public Order and Safety (MPOS) - BARMM, at ang Ministry of Environment Natural Resources and Energy (MENRE) - BARMM.

Matapos makatanggap ng ulat mula sa mga concerned citizens ang MBLT-5 kaugnay sa illegal na pagpuputol ng mga kahoy, kaagad nagsagawa ng operasyon ang mga otoridad sa Sitio Bulubudtua, Barangay Nabalawag, Barira, Maguindanao.

Tinatayang abot sa P1, 659,840 ang halaga ng red at white Lauan ang nakumpiska, dalawang units ng chainsaw, at isang unit ng heavy-duty bandsaw.

Hindi na inabutan pa ng operating units sa lugar ang mga suspek.

Ang mga nakumpiskang kahoy ay temporaryong isasailalim sa kustudiya ng MBLT-5 at ituturn-over naman sa MENRE-BARMM.

Maituturing na critically endangered o nanganganib ng maubos sa kalikasan ang Red at White Lauan kaya't ipinagbabawal sa batas ang pagputol nito ng walang kaukulang permiso.

P108-M worth of shabu seized by PDEA-9 agents in Zamboanga City

COTABATO CITY - Agents of the Philippine Drug Enforcement Agency seized P108 million worth of shabu from a dealer entrapped in Barangay Canelar in...

Police rearrest 1 of 5 detainees who bolted Parang police lock-up cell

PARANG, Maguindanao del Norte  – Police authorities here have arrested one of the five fugitives who bolted the municipal police station...

Sulu Gov. Sakur Tan to seek BARMM office of chief minister

INANUNSYO ng Bangsamoro Grand Coalition o BGC ang kanilang pag-endorso kay Sulu Governor Abdusakur Tan na tumakbo bilang BARMM Chief Minister sa May...

5 preso nakatakas sa Parang detention facility, tulong ng publiko hiniling ng PNP

Nanawagan ang mga otoridad sa Parang, Maguindano del Norte na makipagtulungan sa kanila kung sakaling may mga nakakita sa mga lalaking nasa larawan...

NGCP scheduled power interruption for May 19 cancelled

What: CANCELLED NOTICE OF National Grid Corporation of the Philippines POWER INTERRUPTION When: Sunday, May 19, 2024 | 7:00 - 8:00 AM | 5:00...