PhilHealth XII nakipagpulong kay SK Gov Mangudadatu
Para sa mas malakas na implementasyon ng KonSulTa (Konsultasyong Sulit at Tama), ang PhilHealth XII ay nakipagpulong kay Sultan Kudarat Gov. Datu Pax Ali Mangudadatu sa Isulan, Sultan Kudarat.
Ang KonSulTA o mas pinalawak na primary care program ay tugon sa layunin ng Universal Health Care (UHC) Program na makapagbigay ng preventive health care sa lahat.
As of September 20, 2022 ang nasambit na probinsiya sa ilalim ng Local Health Insurance Office (LHIO) Isulan ay meron nang 12 accredited KonSulTa Providers (KPs) lagpas sa 11 nitong target KPs subalit kasalukuyan ay meron pa lamang 4,407 na registered beneficiaries.
Napagkasunduan sa nasambit na pagpupulong na magtulungan ang nasabing LGU at PhilHealth para sa mas matagumpay na implementasyon ng KonSulTa sa nasabing na probinsiya.
Ayon kay Mangudadatu, sisikapin nilang maging KP accredited ang Sulta Kudarat Provincial Hospital pati na ang lahat ng RHUs sa lalawigan, magkaroon ng karagdagang dialysis center at magkaroon ng accredited collecting agent sa Lebak dahil mayroon na itong PhilHealth Express sa area.