Wednesday May, 15 2024 11:53:40 PM

2 terorista patay sa sagupaan ng MILF at Dawlah Islamiya sa MagSur

Peace and Order • 20:00 PM Mon Sep 11, 2023
837
By: 
DXMS NDBC

AMPATUAN, Maguindanao Sur - TUMAGAL NG halos 30 minuto ang bakbakan sa pagitang ng 118 base command ng MILF sa ilalim ni Saga Malandag at Dawla Islamiya Hassan Group sa ilalim naman ni Abdulnasser Guianid sa Barangay Mother Tuayan Datu Hoffer Maguindanao del Sur kaninang umaga.

Sa panayam ng DXMS Radyo Bida kay 601st Brigade Commander Brig. General Oriel Pangcog, sinabi niyang hindi pagkaka-unawaan ng dalawang panig ang ugat ng bakbakan.

Agad na pumwesto ang tropa ng 40IB sa lugar pero makalipas ang 30 minuto ay humupa ang bakbakan.

Nang pasukin ng militar at PNP ang encounter site ay natagpuan ang bangkay ng dalawang kasapi ng Dawlah Islamiyah.

Ang dalawa ay wala pang pagkakakilanlan. Wala namang nadamay na sibilyan dahil sa bakbakan.

Handa din ang Army sa posibilidad na gaganti ang mga terorista sa pagkasawi ng kanilang kasamahan.

 

Drug peddler, huli sa drug buy bust sa Delta Bridge, Cotabato City

HULI ang isang drug suspek sa ikinasang drug buy bust operation ng PNP sa Brgy. Salimbao, Sultan Kudarat, Maguindanao Del Norte, pasado alas 5 ...

OPAPRU: IRR of amnesty grant to fast-track ex-rebels' integration

MANILA – The release of the implementing rules and regulations (IRR) of amnesty proclamations issued by President Ferdinand R. Marcos Jr. would...

Cotelco: All area collection offices close on May 16

KIDAPAWAN CITY - Inanunsyo ng Cotabato Electric Cooperative na ang Area at Collection offices ngayong Mayo 16, 2024 (Huwebes) ay sarado upang...

Cotabato Light announces power interruption for May 19 in Awang

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company today announced a scheduled power interruption affecting Crossing Awang, Datu Odin Sinsuat on...

P3.4-M worth shabu seized in Marawi City PDEA operation

COTABATO CITY - Agents of the Philippine Drug Enforcement Agency seized P3.4 million worth of shabu from a dealer entrapped in Marawi City on Tuesday...