Sunday May, 19 2024 05:23:24 AM

240 pamilya apektado ng baha sa Pigcawayan

Climate Change/Environment • 08:45 AM Thu Sep 21, 2023
1
By: 
DXMS

Halos 240 na pamilyang apektado ng malawakang pagbaha sa Pigkawayan, nabigyan ng tulong ng Pigkawayan LGU at DSWD.

Personal na binisita ni Pigkawayan town Acting Mayor Niel Jake Casi kasama ang MSWDO Staff sa pamumuno ni Danica Faith Luciano, at MDRRMO staff sa pamumuno ni Romeo Capao-an, EnP. ang sitwasyon ng mga Barangay sa bayan ng Pigcawayan na naapektuhan ng tubig baha dulot ng pag-ulan.

Sinabi sa DXMS ni Pigkawayan town spokesperson Rolando "Rolly" Dillera siyam na mga barangay sa bayan ang naapektuhan ng pagbaha, pero ang pinakamatinding naapektuhan ay ang Barangay Anick, Barangay Renibon, Barangay Balogo at Barangay Capayuran.

Nasa 238 na pamilya ang naapektuhan at nabigyan ng tulong ng LGU.

Sa nasabing bilang, 11 na apektadong pamilya ang mula sa Barangay Renibon, 95 sa Barangay Anick, 81 sa Barangay Capayuran at 51 sa Barangay Balogo.

Ang lahat ng mga naapektuhan ng pagbaha ay binigyan ng food packs na mula sa DSWD XII sa suporta Regional Director Loreto Cabaya Jr.

P108-M worth of shabu seized by PDEA-9 agents in Zamboanga City

COTABATO CITY - Agents of the Philippine Drug Enforcement Agency seized P108 million worth of shabu from a dealer entrapped in Barangay Canelar in...

Police rearrest 1 of 5 detainees who bolted Parang police lock-up cell

PARANG, Maguindanao del Norte  – Police authorities here have arrested one of the five fugitives who bolted the municipal police station...

Sulu Gov. Sakur Tan to seek BARMM office of chief minister

INANUNSYO ng Bangsamoro Grand Coalition o BGC ang kanilang pag-endorso kay Sulu Governor Abdusakur Tan na tumakbo bilang BARMM Chief Minister sa May...

5 preso nakatakas sa Parang detention facility, tulong ng publiko hiniling ng PNP

Nanawagan ang mga otoridad sa Parang, Maguindano del Norte na makipagtulungan sa kanila kung sakaling may mga nakakita sa mga lalaking nasa larawan...

NGCP scheduled power interruption for May 19 cancelled

What: CANCELLED NOTICE OF National Grid Corporation of the Philippines POWER INTERRUPTION When: Sunday, May 19, 2024 | 7:00 - 8:00 AM | 5:00...