Saturday May, 18 2024 10:03:44 PM

27 high powered loose firearms, isinuko sa militar

Mindanao Peace Process • 20:30 PM Fri Oct 6, 2023
966
By: 
6th ID news release
Ang mga baril na isinuko ng mga local officials habang ini-inspection ng military. (6th ID photo)

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte – Nasa dalawampu’t pitong mga matataas na kalibre ng baril ang isinuko sa 1st Mechanized Infantry (Maaasahan) Brigade.

Ang turn-over ceremony ay isinagawa sa Municipal Hall sa bayan ng Lambayong, Sultan Kudarat nitong ika-5 ng Oktubre 2023.

Ayon kay Brigadier General Andre B Santos, Commander ng 1Mech Bde, dalawampu't pitong mga punong barangay sa nasabing lugar ang nag-turn over ng iba't-ibang uri ng mga baril at bala.

Kabilang sa mga isinuko ay isang 7.62mm sniper rifle; isang cal .50 sniper rifle; isang RPG launcher; dalawang cal .30 M1 carbine rifles; isang cal .22 rim rifle; pitong 12 gauge shotgun; apat na 40mm M79 grenade launchers; isang 9mm submachine gun; isang 9mm submachine gun/attached shotgun; limang 9mm uzi submachine gun; tatlong cal .45 pistols; dalawang rifle grenades; at iba’t-ibang uri ng mga bala.

Ang turn-over ceremony ay pinangunahan ni Lambayong Municipal Mayor Hon. Ferdinand Agduma at pormal na itinurn-over kay Brig. Gen. Santos kasama sina Police Major Jethro Dave Dolligas, hepe ng Lambayong MPS; Lambayong Vice-Mayor Hon. Francis Eric Recinto; ABC President Hon. Norhato Sanday at iba pang kasapi sa 27 mga punong barangay ng Lambayong; at iba pang mga lokal na opisyal.

Nagpasalamat naman si Major General Alex S. Rillera, Commander ng 6th Infantry (Kampilan) Division at Joint Task Force Central sa Local Government Unit ng Sultan Kudarat sa pagpapalakas ng kampanya laban sa mga loose firearms.

“Ang matagumpay na pagsuko ng 27 na high powered loose firearms sa bayan ng Sultan Kudarat ay resulta ng mas pinaigting natin na kampanya kontra loose firearms at paglaban sa paggamit ng mga instrumento ng karahasan. Kaya Malaki ang papel na ginagampanan ng mga barangay at lokal ng opisyal sa pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan sa ating lugar. Ang peace and order ay hindi lamang trabaho naming nasa government security forces bagkus ito ay responsibilidad ng bawat mamamayan”, wika pa ni Maj. Gen. Rillera.

May be an image of 2 people and text

P108-M worth of shabu seized by PDEA-9 agents in Zamboanga City

COTABATO CITY - Agents of the Philippine Drug Enforcement Agency seized P108 million worth of shabu from a dealer entrapped in Barangay Canelar in...

Police rearrest 1 of 5 detainees who bolted Parang police lock-up cell

PARANG, Maguindanao del Norte  – Police authorities here have arrested one of the five fugitives who bolted the municipal police station...

Sulu Gov. Sakur Tan to seek BARMM office of chief minister

INANUNSYO ng Bangsamoro Grand Coalition o BGC ang kanilang pag-endorso kay Sulu Governor Abdusakur Tan na tumakbo bilang BARMM Chief Minister sa May...

5 preso nakatakas sa Parang detention facility, tulong ng publiko hiniling ng PNP

Nanawagan ang mga otoridad sa Parang, Maguindano del Norte na makipagtulungan sa kanila kung sakaling may mga nakakita sa mga lalaking nasa larawan...

NGCP scheduled power interruption for May 19 cancelled

What: CANCELLED NOTICE OF National Grid Corporation of the Philippines POWER INTERRUPTION When: Sunday, May 19, 2024 | 7:00 - 8:00 AM | 5:00...