Saturday Jun, 01 2024 03:19:06 PM

Voting precincts sa Buluan, Maguindanao Sur, sinunog pagkatapos ng eleksyon

NDBC BANTAY HALALAN 2023 • 19:15 PM Tue Oct 31, 2023
766
By: 
DXMS NDBC

COTABATO CITY - DALAWANG mga polling precincts ang sinunog sa Brgy Lower Siling, Buluan, Maguindanao del Sur, pasado alas 3:00 ng hapon nitong Lunes, o pagkatapos ng voting hours.

Ayon kay Buluan Bureau of Fire Marshall SFO2 Musahid Guiam, patuloy pa ang kanilang imbestigasyon sa pangyayari .

Abot naman sa higit dalawang milyong piso ang halaga ng nasunog.

Nabatid na pagkatapos ng botohan kahapon ay agad inilipat ang mga ballot boxes sa municipal hall ng bayan.

Ayon sa ulat, may mga natanggap kasing impormasyon ang PNP at Comelec hinggil sa gagawing panggugulo kaya agad nilang nilisan ang lugar.

Inaalam pa ng BFP Buluan ang dahilan ng sunog.

Samantala, patuloy din ang imbestigasyon ng Buluan PNP sa nasabing krimen at inaalam pa kung ito ay election related.

Ito ang ikatlong polling center sa Maguindanao provinces na sinunog ngayong eleksyon.

Thousands in Basilan join MNLF’s Bangsamoro party

COTABATO CITY - Thousands of residents from across the 11 towns and two cities in Basilan have pledged allegiance to the Bangsamoro Party of the...

Cloudy skies, isolated rains over PH Saturday

MANILA – The easterlies, which is affecting the eastern sections of Southern Luzon, the Visayas, and Mindanao, will bring partly cloudy to...

BARMM turns over P53-M to LGU, 20 new village halls to rise across province

MARAWI CITY — The Bangsamoro Government, through the Ministry of the Interior and Local Government (MILG), handed over P53,361,000 to Lanao del Sur...

Cotabato Light announces power service interruption for June 2

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company (Cotabato Light) today announced a scheduled power interruption affecting Clemente Aliño Street...

Drug den in North Cotabato province shutdown, 3 operators nabbed

COTABATO CITY - Anti-narcotics agents seized P85,000 worth of shabu and arrested three alleged drug den operators, suspected of sharing earnings with...