Thursday May, 16 2024 12:44:56 AM

Babaeng negosyante, anak kapuwa patay sa panibagong kaso ng pamamaril sa Pikit

Local News • 15:30 PM Tue Jan 9, 2024
641
By: 
DXND/NDBC
Si Mrs. Betty Cadulong-Lu at anak na si Junard.

PIKIT, North Cotabato - Binaril at napatay ng di pa kilalang suspect ang mag-inang negosyante sa Barangay Poblacion kaninang tanghali.

Nangyari ito sa kabila ng napakaraming mga pulis at sundalo na naitalaga sa bayan dahil sa tila di mapigil na sunod sunod na kaso ng pamamaril sa bayang tinaguriang Bayang Marikit.

Sinabi sa Radyo Bida Kidapawan ni Maj. John Arvin Cambang, Pikit police chief, na ang pinakahuling mga biktima ay sina Betty Cadulong-Lu, taga Notre Dame Drive, Barangay Poblacion at may-ari ng Pikit Highway Halal Karenderya at anak nitong si Jonard, 47 taong gulang.

Ang karenderya ay nasa harap ng municipal hall at municipal plaza.

Ayon sa PNP, abala ang mga biktima sa pangangasiwa ng kanilang karenderya nang dumating ang isang suspect na naka motor at agad silang pinagbabaril.  Si Mrs. Lu ay nasawi on the spot habang sa ospital binawian ng buhay ang anak.

Si Mrs. Lu ay kapatid ng may-ari ng Cadulong hospital sa bayan ng Pikit na si Dr. Roberto Cadulong.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng PNP sa insidente, ayon kay Cambang.

Matagal na ang problema sa serye ng pamamaril sa bayan ng Pikit subalit hanggang ngayon ay tila hindi nabibigyan ng solusyon ng mga otoridad. 

Drug peddler, huli sa drug buy bust sa Delta Bridge, Cotabato City

HULI ang isang drug suspek sa ikinasang drug buy bust operation ng PNP sa Brgy. Salimbao, Sultan Kudarat, Maguindanao Del Norte, pasado alas 5 ...

OPAPRU: IRR of amnesty grant to fast-track ex-rebels' integration

MANILA – The release of the implementing rules and regulations (IRR) of amnesty proclamations issued by President Ferdinand R. Marcos Jr. would...

Cotelco: All area collection offices close on May 16

KIDAPAWAN CITY - Inanunsyo ng Cotabato Electric Cooperative na ang Area at Collection offices ngayong Mayo 16, 2024 (Huwebes) ay sarado upang...

Cotabato Light announces power interruption for May 19 in Awang

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company today announced a scheduled power interruption affecting Crossing Awang, Datu Odin Sinsuat on...

P3.4-M worth shabu seized in Marawi City PDEA operation

COTABATO CITY - Agents of the Philippine Drug Enforcement Agency seized P3.4 million worth of shabu from a dealer entrapped in Marawi City on Tuesday...