Saturday May, 18 2024 06:05:48 PM

Police station, pinasabugan sa Shariff Saydona Mustapha

Local News • 16:30 PM Mon Mar 18, 2024
398
By: 
DXMS
File photo

INAALAM pa ng PNP ang motibo ng paghagis ng granada sa compound ng Municipal Police Station ng Shariff Saydona Mustapha sa Barangay Nabundas, Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao del Sur, mag aalas-onse nitong Linggo ng gabi.

Ito ang kinumpirma sa Radyo Bida ni Police Regional Office BARMM Regional Director BGen. Allan Nobleza.

Ayon kay Nobleza, tumama sa septic tank ng nasabing himpilan ang hindi pa matukoy na uri ng pampasabog.

Wala namang malaking pinsala na naidulot ang naturang pagsabog at wala ring nasugatan sa nasabing insidente.

Inaalam pa ng PNP kung kagagawan ito ng local terrorist group dahil sa kanilang sunod-sunod na pang-aatake sa Maguindanao del Sur nitong mga nakalipas na buwan.

Mas hinigpitan pa ngayon ng PNP ang kanilang checkpoint operations sa lugar katuwang ang Army.

Police rearrest 1 of 5 detainees who bolted Parang police lock-up cell

PARANG, Maguindanao del Norte  – Police authorities here have arrested one of the five fugitives who bolted the municipal police station...

Sulu Gov. Sakur Tan to seek BARMM office of chief minister

INANUNSYO ng Bangsamoro Grand Coalition o BGC ang kanilang pag-endorso kay Sulu Governor Abdusakur Tan na tumakbo bilang BARMM Chief Minister sa May...

5 preso nakatakas sa Parang detention facility, tulong ng publiko hiniling ng PNP

Nanawagan ang mga otoridad sa Parang, Maguindano del Norte na makipagtulungan sa kanila kung sakaling may mga nakakita sa mga lalaking nasa larawan...

NGCP scheduled power interruption for May 19 cancelled

What: CANCELLED NOTICE OF National Grid Corporation of the Philippines POWER INTERRUPTION When: Sunday, May 19, 2024 | 7:00 - 8:00 AM | 5:00...

Cotabato Light: Increased generation costs lead to a rise in the overall electricity rate

COTABATO CITY - The overall residential rate of Cotabato Light & Power Company (Cotabato Light) increased by P1.90 per kilowatt hour (kWh)...