Sunday May, 19 2024 10:49:57 AM

Isa sa mga sundalong nasawi sa Maguindanao Sur ambush, ikakasal na sana

Local News • 21:00 PM Mon Mar 18, 2024
599
By: 
DXMS

COTABATO CITY - HINDI na matutuloy pa ang pag-iisang dibdib nina Pvt. Jessie James Corpuz at nobyang si Irith Rose Almirante matapos na masawi si Corpuz sa ambush nitong Linggo ng umaga sa Brgy. Tuayan 1, Datu Hoffer Ampatuan, Maguindanao del Sur.

Sa panayam ng DXMS Radyo Bida kay Almirante, sinabi niya na nitong Enero pa namanhikan si Corpuz sa kanyang pamilya at nangakong magpapakasal na sila sa susunod na taon.

Dalawang taon na silang magkasintahan at ni minsan ay hindi ito nagkaroon ng problema sa kanyang nobyo.

Ang dalawa ay pawang taga Cotabato City.

“Sabi niya yung GOA uniform niya yung susuotin niya sa kasal namin pero sa burol niya pala sinuot kaya ang daya daya niya,” dagdag pa ni Almirante.

“Ang sakit lang kasi last year, yung anak namin na sa sinapupunan ko ang kinuha, ngayon si James naman,” kwento pa ni Almirante sa Radyo Bida.

Hustiya naman ang sigaw nito sa sinapit ng kanyang nobyo.

Isa si Corpuz sa apat na mga sundalong nasawi sa pananambang ng local terrorist group sa Datu Hoffer nitong Linggo.

Pabalik na sana ang mga ito sa kanilang patrol base sakay ng isang multicab nang tambangan sa Brgy. Tuayan 1.

May be an image of 1 person

May be an image of ring

Prayer rally vs charter change set outside Senate on May 22

Opponents of the proposed Charter change are bringing their message to the Senate. Church and civil society organizations have scheduled a prayer...

P108-M worth of shabu seized by PDEA-9 agents in Zamboanga City

COTABATO CITY - Agents of the Philippine Drug Enforcement Agency seized P108 million worth of shabu from a dealer entrapped in Barangay Canelar in...

Police rearrest 1 of 5 detainees who bolted Parang police lock-up cell

PARANG, Maguindanao del Norte  – Police authorities here have arrested one of the five fugitives who bolted the municipal police station...

Sulu Gov. Sakur Tan to seek BARMM office of chief minister

INANUNSYO ng Bangsamoro Grand Coalition o BGC ang kanilang pag-endorso kay Sulu Governor Abdusakur Tan na tumakbo bilang BARMM Chief Minister sa May...

5 preso nakatakas sa Parang detention facility, tulong ng publiko hiniling ng PNP

Nanawagan ang mga otoridad sa Parang, Maguindano del Norte na makipagtulungan sa kanila kung sakaling may mga nakakita sa mga lalaking nasa larawan...