1,200 cops deployed across BARMM for Ramadan, Holy Week activities
BANGSAMORO NEWS UPDATES • 09:30 AM Sat Mar 23, 2024
1
By:
DXMS NDBC
COTABATO CITY - Higit 1,200 PNP personnel, ipapakalat sa BARMM ngayong Holy Week upang magbantay seguridad
ITO ANG sinabi sa DXMS Radyo Bida ni PRO-BAR Regional Director BGEN Allan Nobleza ngayong papalapit na ang Holy Week o Semana Santa.
Ayon kay Nobleza, abot sa 1,287 PNP personnel ang ipapakalat sa mga simbahan, mga pasyalan, airports, seaports, terminal at iba pa.
Kung sakali aniya na kukulangin ang mga idedeploy, pwede itong dagdagan, depende sa sitwasyon.
Bagamat wala naman silang natatanggap na mga pagbabanta sa Holy Week, sinabi ni General Nobleza na hihigpitan ang seguridad sa Maguindanao del Sur, Lanao del Sur kasama ang Basilan at Sulu.
Pakinggan ang panayam kay PRO-BAR Regional Director BGEN Allan Nobleza.