Friday May, 31 2024 06:58:54 AM

Lalaki, nagreklamo sa GenSan PNP dahil siyay binugbog, pero inaresto dahil may warrant

Peace and Order • 22:45 PM Fri Apr 5, 2024
374
By: 
PRO-12 news release

GEN. SANTOS CITY - Arestado ang lalaking nagreklamo sa pulisya matapos mapag-alaman ng otoridad na mayroon pala itong nakabinbin na warrant of arrest noong Abril 4, 2024.

Kinilala ni Police Station 7 commander Major Wesley P Matillano ang suspek na si alyas “Archie”, 24-anyos, binate, at residente ng Barangay San Jose, General Santos City.

Ayon kay Maj Matillano, pumunta mismo si Archie sa kanilang tanggapan sa Purok 11-a Fil-am Avenue General Santos City upang humingi ng tulong at ireklamo ang mga taong nambugbog sakanya na siyang naging dahilan ng mga pasa sakanyang mukha.

Habang kinukuhanan ng pahayag ang indibidwal at nang magsagawa ng record check ang pulisya gamit ang e-warrant, kanilang nadiskubre na mayroon itong nakabinbin na Warrant of Arrest sa Kaesong paglabag sa Sec.11 art II ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) na may nakalaang piyansa na Php200,000.

Nang makumpirma ito, agad na inaresto at binasahan ng karapatan ang suspek.

Ang matagumpay na pagkakaaresto sa suspek ay pinadali dahil sa pagkakaroon ng E-Warrant. Dahil sa teknolohiya, ginawang mas madali at mas maaasahan ang pag-verify ng mga Warrant of Arrest para sa mga ahensya na nagpapatupad ng batas.

Sa pagkakaroon ng mga online na platform at iba pang makabagong teknolohiya sa pagpapatupad ng batas, asahan niyo na ang pampansang pulisya ay makapagpaghatid ng mas mabilis at mapagkakatiwalaang resulta.

Application for August 2024 Career Service Exam open till June 13

MANILA – Individuals wanting to take the Aug. 11, 2024 Career Service Examination - Pen and Paper Test (CSE-PPT) for both Professional and...

Suspect sa pagpatay sa hepe ng Ampatuan PNP, naaresto ng CIDG sa Midsayap

COTABATO CITY - HULI habang nagpapagamot sa isang ospital sa Poblacion 1, Midsayap, North Cotabato, ang isang lalaking nahaharap sa patung-patong na...

Comelec releases 2025 mid-term polls calendar

MANILA – The Commission on Elections (Comelec) on Wednesday released the scheduled activities for the 2025 mid-term national and local elections...

Ties of drug rings in Zambo peninsula, Central Mindanao seen

COTABATO CITY - The entrapment on Tuesday in Pigcawayan, North Cotabato of three drug peddlers from Zamboanga City and the Bangsamoro region’s...

Cotelco announces power service interruption for June 1

TO OUR VALUED MEMBER-CONSUMER-OWNERS (MCO): This is to inform you that we will have a SCHEDULED power interruption on the following scheduled date...