2 patay, tatlo sugatan sa salpukan ng fish car, Mazda pick-up at prime mover sa Tupi
Local News • 08:45 AM Thu Apr 18, 2024
311
By:
DXOM Koronadal
KORONADAL CITY - Dalawa ang patay at tatlo agn sugatan sa vehicular crash sa national highway sa bayan ng Tupi kaninang madaling araw na kinasasangkutan ng pickup, fishcar at prime mover.
Binawian ng buhay ang dalawang katao sa karambola ng tatlong sasakyan sa Tupi, South Cotabato madaling araw kaninang umaga.
Sa panayam ng Radyo Bida Koronadal kay Tupi MDRRM Officer Emil Sumagaysay, sinabi nito na pawang sakay ng pick-up na may plate number 1201-628702 ang dalawang namatay habang 3 naman ang sugatan na sakay ng Bongo truck.
Hindi naman nasaktan sa aksidente ang driver ng prime mover.
Patuloy pang inaaalam ang pangalan ng mga biktima.