COTABATO CITY - KINILALA ANG biktima na si Datu Jordan Tayuan na taga Purok Uno, Barangay Bual Sur, Midsayap.
Sinabi sa Radyo Bida ni Midsayap town police chief Lt. Col. Rolly Oranza na naganap ang pamamaril pasado alas 5:00 ng hapon kahapon.
Dagdag pa nito na nanonood ng TV sa loob ng kanyang bahay ang biktima nang siya ay pasukin ng mga suspect at pinagbabaril.
Patay on the spot ang biktima.
Narekober sa crime scene ang apat na basyo ng caliber 45 pistol at anim na basyo ng caliber 5.56mm.