2 sugatan sa ambush sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao
AWANG, Datu Odin Sinsuat -DALAWA katao ang sugatan nang pagbabarilin ang mga ito sa Brgy. Benolen pasado alas 4:00 ng hapon kahapon.
Kinilala ni Datu Odin Sinsuat town police chief Major Reggie Albellera ang mga biktima na sina Kamir Samir Abid at Moner Abid, nasa hustong gulong at kapwa residente ng Brgy. Kinebaka, Datu Odin Sinsuat.
Nabatid na isa sa mga biktima ay kabilang sa mga nagsitapos ng Hafidzātul Qur'an sa Camp Darapanan, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.
Ayon sa ulat, sakay ng puting multicab ang dalawa mula Brgy. Poblacion pauwi sanang Brgy. Kinebaka nang pagsapit sa nasabing lugar ay pinaputukan ang mga ito ng di pa tukoy na mga suspek.
Narekober crime scene ang anim na basyo ng M16 rifle.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng PNP.