Ex-NIA employee na taga Kidapawan, patay sa pamamaril sa Matalam
DEAD ON THE SPOT ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng hindi pa tukoy na mga suspek sa National Highway partikular sa Purok Tagumpay, Barangay Marbel, Matalam, Cotabato bandang alas 11:50 nitong umaga ng October 02, 2023.
Kinilala ang biktima na si Ares Mendoza Tiway Jr. 34 na taong gulang na dating empleyado ng National Irrigation Administration at residente ng Barangay Poblacion, Kidapawan City, Cotabato.
Sa report ng Matalam PNP, habang minamaneho ang kaniyang Suzuki Burgma na motorsiklo mula Barangay Marbel patungong Poblacion nang pinagbabaril ito ng mga suspek gamit ang di pa tukoy na armas.
Sa ulo tinamaan ang biktima na siyang dahilan ng kaniyang agarang kamatayan.
Nagpapatuloy ang inbestigasyon ng PNP sa motibo at posibleng mga suspek sa pamamaril.