Lake Sebu Mayor Floro Gandam Sr, 66
Breaking News • 10:15 AM Tue Oct 3, 2023
917
By:
DXOM Koronadal
KORONADAL CITY - Sumakabilang buhay na hatinggabi kanina si Lake Sebu Mayor Floro Gandam Sr.
Siya ay 66 na taong gulang.
Ito ang kinumpirma ng misis nitong si Maria Gandam sa panayam ng Radyo Bida- Koronadal.
Dagdag nito September 28, 2023 nang dinala si Mayor Gandam sa isang pribadong ospital sa General Santos City dahil sa mild stroke.
Nabatid na tatlong araw itong comatose bago namatay.
Nakatakdang magpalabas ng official statement ang pamilya at ngayong araw ay iuuwi si Mayor Gandam sa bayan.
Noong September 21, 2023 nagdiwang pa ng kanyang ika-66 na kaarawan ang alkalde.