Tuesday Apr, 30 2024 01:23:39 AM

NDBC BIDA BALITA (1.15.17)

 • 15:40 PM Wed Feb 15, 2017
928
By: 
NDBC

NEWSCAST

FEBRUARY 15, 2017 (WED)
7and00 AM

HEADLINESand

1. Surigao mayor, nagpasalamat sa ARMM GOVERNMENT, dahil sa tulong nito matapos ang lindol2. ABOT sa apat na raang pares,
sabay-sabay na ikinasal sa North Cotabato sa araw ng mga puso

3. MUSLIM leaders sa South Cotabato,
bumalangkas ng mga programa para sa mga muslim community sa lalawigan.

4. Payagan ba o hindi ang mining sa South Cotabato, mainit na usapin sa provincial board NAGPA-ABOT NG TULONG sa mga biktima ng
lindol sa Surigao city ang pamunuan ng Autonomous Region in Muslim Mindanao o
ARMM sa pamamagitan ng Humanitarian and Emergency Action Response Team o ARMM
HEART.Kamakalawa ay tumulak patungong Surigao
city ang ARMM HEART team para mamahagi ng relief assistance sa mga pamilyang
lubos na naapektuhan ng lindol.

Sinabi ni ARMM Executive Secretary
Laisa Alamia na kabiang sa kanilang ipinamigay na tulong ay 200 sako ng bigas,
50 kahon ng instant coffee, 100 kahon ng sardinas at 100 bote ng five-liter
distilled water.

Sa report mula sa Philippine Institute
of Volcanology and Seismology o Phivolcs, niyanig ng magnitude 6.7 na lindol
ang Surigao city noong Biyernes, February 10 bandang alas dyes ng gabi.

Ang naturang lindol na tectonic ang
origin ay nagsanhi ng pagkamatay ng walo katao at nasa mahigit dalawang libo
naman ang sugatan.

Batay naman sa pagtaya ng National Disaster
Risk Reduction Management Council, abot naman sa 108 million pesos ang halaga ng
mga napinsalang ari-arian dahilan para isailalim sa state of calamity ang
Surigao city.

Samantala, sa kabilang dako naman, tuloy-tuloy
ang pagsisikap ng ARMM government sa pagtanggal ng water hyacinth na nakabara
sa ilog ng Datu Piang, Maguindanao.Katuwang ng ARMM HEART ang Department
of Public Works and Highways o DPWH sa Maguindanao 2nd District, Maguindanao
People’s medical team, Office of Civil Defense, Army’s 6th Infantry Division,
Coordinating Committee on Cessation of Hostilities, Midsayap at Datu Piang LGU,
Moro Islamic Liberation Front at Moro National Liberation Front.

Ayon naman kay Maguindanao People’s
medical team leader Lynette Estandarte, naghanda sila ng 200 food packs bilang
bahagi ng ‘food for work’ program para sa mga tumutulong o volunteers.

Aniya, linggo linggo at tatanggap ng
food packs ang mga volunteer kapalit ng kanilang pagtulong sa mano-manong
paglilinis sa naturang ilog. NAPASAKAMAY NA RIN ng
Cotabato City ang number six sa kanilang Most Wanted List matapos ng maraming
taong pagtatago nito.

Kinilala ang nadakip na
suspek na si Edman Renz Mustapha Lacaste Santos, na nahaharap sa patong patong
na kaso ng panggagahasa.

Naaresto ang suspek
pasado alas singko ng hapon kahapon sa Ramon Rabago Sr. St. , Mthewr Barangay
Rosary Heights ng lungsod sa bisa naman ng warrant of arrest na inisyu ni RTC
Branch 15 Judge Alexandrex Betoya

Nakakulong na ngayon ang
suspek sa lock up cell ng police station 2.
Samantala, dumulog naman
sa himpilan ng pulisya ang isang security guard matapos mawala ang kanyang
issued firearms alas kwatro y medya ng madaling araw kahapon.

Kinilala ang complainant
na si Alano Mahor 33 years old, gwardya ng smart card security service inc. at taga
Kapinpilan, Mother Barangay Kalanganan, Cotabato City.

Ayon kay Mahor, nakatulog
sya habang naka duty at nang magising ay nawawala na ang kanyang cal. 38
pistol.

Samantala, sa kabilang
dako naman, naging masaklap ang valentines day ng isang lalaki matapos na pagbabarilin
siya ng hindi pa nakikilalang suspek pasado alas onse ng umaga kahapon sa ng Purok
Emba, barangay Rosary Heights 7.

Kinilala ang biktimang na
si Segar Eddies Solaiman, 43 years old, may asawa, habal-habal driver at taga ng
2nd street, Don E Sero Street , barangay Rosary heights 5 ng lungsod.

Nagtamo ng tama ng bala
sa ibat ibang parte ng kanyang katawan ang biktima na sanhi ng kanyang agarang
pagkasawi.

Narekober naman ng mga
pulis sa crime scene ang isang basyo ng bala ng cal. 38 pistol.

Inihahanda na ng Federation of Muslim Leaders Association o FMLA sa South Cotabato ang kanilang 3 year development plan.
Isinusulong nito ang pagkilala sa kanilang asosasyon, promosyon at pagpreserba ng kultura ng mga Muslim,at pagsulong sa mga programa tungo sa katiwasayan.Nais din ng FMLA na magkaroon ng Muslim Desk sa bawat bayan at lungsod sa South Cotabato.
Ayon kay Provincial Muslim Coordinator Genelene Vidanes,layon nito na matututukan ang mga problema ng mga Muslim Communities.Sinabi ni Vidanes na bukod sa mahal, kokonti lang ang nagbebenta ng mga tridisyunal na damit ng mga muslim dahilan kung bakit kokonti lang din ang mga sumusuot nito.Ayon kay Vidanes , para maresolba ang problema sinanay ng Provincial Social Welfare and Development Office o PSWDO sa paggawa ng kanilng traditional outfit ang 33 na kababaihang Muslim sa Koronadal Proper, Polomolok.
Hihilingin din ng FMLA sa provincial government ang suporta para sa Madrasah School para mahikayat na mag-aral at makapagtapos ang mas maraming kabataang Muslim.Ayon kay Vidanes nakatakda pang magpulong ang FMLA at provincial government para ipnalisa ang kanilang mga programa sa susunod na tatlong taon.
TINANGHAL na
grand champion ang contingent mula sa North Upi, Maguindanao sa Dindang sa
Lalan, Street Dancing Competition and Showdown kaugnay ng kauna-unahang Inaul
Festival 2017 sa Maguindanao.

Sinabi ni
Dindang Sa Lalan chair Leonila de Losa na nag uwi ng 250 thousand pesos na cash
prize at trophy ang North Upi bilang grand winner.

2nd
place naman ang mga kalahok mula sa South Upi na nag uwi ng 150 thousand pesos
cash prize at trophy habang third place ang mga mananayaw mula sa Datu Piang na
nagkamit ng 100 thousand pesos na cash prize.

Samantala sa
Float design competition, nanguna naman ang bayan ng Datu Piang mula sa 17 mga
kalahok at nanalo ng isang daang libong piso.

Second place
sa float design contest ang Northern Kabuntalan with 75 thousand pesos cash
prize habang

3rd
place ang North Upi na nanalo ng 50 thousand pesos cash.

Samantala,
naging masaya, makulay at maingay naman ang pagtatapos ng Inaul festival
kagabi.

Unang
isinagawa ang run and glow ganap na alas singko ng hapon, at sinundan naman ng
concert ng bandang Hale at kasunod ang magdamagang foam party.

Lubos naman
ang pasasalamat ni Maguindanao governor Esmael ‘Toto’ Mangudadatu sa mga
mamamayan ng lalawigan at sa lahat ng mga ahensya at organisasyon na tumulong
para maging matagumpay ang pagdiriwang ng kauna-unahang Inaul festival.

Inaasahan ng
gubernador na makikilala ang Maguindanao bilang Inaul capital ng Pilipinas,
lalo pa‘t dumarami na ang demand ng naturang hand-woven fabric di lang sa
Pilipinas kundi maging sa ibang bansa. HANGGANG
NGAYON AY nakatatanggap pa rin ng mga pagbabanta sa kanilang seguridad ang mga
alkalde sa Basilan mula sa Abu Sayyaf Group o ASG.

Sinabi ni
Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM Gov. Mujiv Hataman na kasunod ito
sa pakikipagtulungan ng mga alkalde sa mas pinaigting na operasyon ng militar
laban sa teroristang grupo.

Pero sabi ng
gubernador, inaasahan na nila ang ganitong pangyayari dahil sa pag-alma ng Abu
Sayyaf sa ibinibigay na suporta ng local government sa militar.

Ayon kay
Hataman, pinag uusapan na nila ng provincial government ng Basilan ang
pagbibigay ng dagdag na proteksyon sa iba’t ibang mga bayan na under threat

Matatandaang magkasunod
na binomba kamakailan ang Barangay Calut, Tuburan kung saan target ang mismong
alkalde na si Dorie Kallahal habang nagsasagawa ng medical at dental mission
doon.

Sa nasabing
insidente, nakaligtas ang alkalde subalit sugatan ang kanyang driver na si
Misuari Jamiriat at ang isang sundalo na si Corporal Christian Ibarreta ng 3rd
Scout Ranger Battalion na kasamang nagbibigay ng seguridad sa lugar.

Nangako naman
ang pamunuan ng Western Mindanao Command na gagawin nila ang lahat ng makakaya
para matiyak ang seguridad ng mga alkalde na nagbibigay ng suporta sa kanilang operasyon
laban sa ASG sa lalawigan.

Abot na sa limang mga opposition letters na tumutuol sa Coal Mining Project sa Barangay Ned Lake, Sebu, South Cotabato ang natanggap ng Sangguniang Panlalawigan.Unang nagpahayag ng pagtutol sa proyekto sa pamamagitan ng pagsulat sa konseho ang OND Hesed Foundation na pinamumunuan ni Sister Susan Bolanio, OND.Ang apat pang mga sulat ay inaasahang tatalakayin sa regular session ng SP mamamayang hapon.
Kabilang sa mga ito ang mula sa Cotabato Empire Farmer’s Summit on Climate Change, DEMASKU ng Barangay EJC Montilla sa Tacurong city,Sultan Kudarat Agro Eco-Philippines at mga Opisyal ng Barangay Tinomigues sa Lambayong, Sultan Kudarat.Nagkaisa ang naturang mga grupo sa paghiling sa SP at kay South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes na huwag katigan ang coal mining project ng Daguma Agro-Minerals Incorporated o DAMI sa Ned, Lake Sebu.
Ito ay dahil sa peligrong hatid sa mga likas yaman ng South Cotabato at karatig lugar.Ang mga opposition letter nai-refer na ng Sangguniang Panlalawigan sa Environment Committee na pinamumunuan ni Board Member Hilario de Pedro VI.
- 0-Naniniwala si Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA 12 Regional Director Gil Cesario Castro na may malaking papel para sa ikatatagumpay ng kampanya kontra iligal na droga ang mga Barangay Anti Drug Abuse Council o BADAC.Ito ang dahilan kung bakit binigyan diin ni Castro na dapat paigtingin pa ng BADAC ang paglaban sa illegal drugs.Sinabi ni Castro na hindi sapat ang pwersa ng PDEA at militar kaya mahalaga ang papel na gagampanan ng BADAC sa pagtugis sa mga illegal drug personalities lalong lalo na sa mga barangay.Ayon kay Castro, bukod sa pagmanman sa mga suspected drug personalities, makapagbibigay din ng rekomendasyon ang BADAC kung sino ang mga nararapat isailalim sa drug rehabilitation program.Binigyan diin ni Castro na magsisilbing mata at ilong ng PDEA at militar sa mga nayon ang BADAC.
Hiniling din ni Castro sa mga Provincial Anti Drug Abuse Council o PADAC na muling sanayin ang BADAC para magkaroon ng dagdag na kaalaman sa pagtugis sa mga drug personalities.Sinabi ni Castro na matapos bisitahin ang North Cotabato, plano din nito puntahan ang iba pang lalawigan sa SOCCKSARGEN upang hilingin sa PADAC at BADAC ang maigting na kampanya kontra iligal na droga.

Abot sa 504 sa 604 na mga proyektong pang infrustruktura ang natapos ng Department of Public Works and Highways o DPWH 12 noong nakaraang taon.Ayon kay DPWH 12 Regional Director Reynaldo Tamayo Sr., ito ang dahilan kung bakit pumapang-apat ang SOCCSKARGEN sa mga rehiyon sa bansa sa pagpapatupad ng mga proyektong pang-imrastraktura.
Sinabi ni Tamayo na sa kabuuan , abot sa may 70 kilometrong daan na nagkakahalaga ng mahigit P1.4 billion ang natapos ng DPWH 12.Natapos rin ng ahensya ang may P200 million na 4,000 lineal meter na tulay,at 20 flood control projects.
Ito ayon kay Tamayo ay maliban pa sa 120 mga kalsada, water system., school at government buildings, multi purpose buildings, at day care centers na naipatayo ng ahensya sa tulong ng mga lokal na pamahalaan.
Nasemento din ng DPWH katuwang ang Department of Agriculture ang ang may 31 kilometrong farm to market roads sa region 12.
Naninindigan naman si Tamayo na malaking tagumpay na ang pang-apat na pwesto na nakuha ng region 12 sa kabila ng maraming balakid sa pagpapatupad ng kanilang mga proyekto.Aminado si Tamayo na nakaapekto sa mga proyekto ng pamahalaan ang pangingikil sa mga kontraktor at panunog ng mga heavy equipment ng mga masasamang loob.

Nanawagan ng tulong para sa mga biktima ng lindol sa Surigao ang simbahang katolika sa Koronadal City.
Ito ay ayon kay Koronadal Saint Anthony Parish Media Reporter Valme Mariveles.Ayon kay Mariveles, maliban sa cash, maari ring magbigay ng mga damit at iba pang pangunahing pangangailangan ang mga may magagandang loob.
Sinabi ni Mariveles sa Radyo bida na ang mga nais tumulong sa mga nilindol sa Surigao ,ay maari lamang makipag ugnayan sa Social Action Center sa likod ng Christ the King Cathedral sa Koronadal City.Ang pagbibigay ng tulong sa mga sinalanta ng Lindol sa Surigao ay ipinagutos mismo ni Diocese of Marbel Bishop Dinualdo Guttierez.
Kaugnay nito, inilaan din ng simbahang katolika sa mga biktima ng lindol ang malilikom sa second collection sa misa tuwing lingo.
Isinusulong ng Department of Agricuture o DA ang pagkakaroon ng national Association ng mga magsasaka ng rubber sa buong bansa. Ito ang pinahayag ni DA Secretary Manny Pinol sa stakeholders forum ng mga nasa rubber Industry sa Kidapawan City.
Layon nito ayon sa kalihim na makilala ang mga rubber growers bilang mga manufacturers mula sa pagiging producer lamang.Napili naman na interim chairman ng Asosasyon ang taga Antipas North Cotabato na si Armando Pedregoza.
Si Pedroza ay isa sa mga pioneer ng rubber industry sa lalawigan.Maglalaan naman ang DA ng inisyal na P2 million para may magamit sa pagbuo ng talaan ng mga Myembro ng Asosasyon na bibigyan ng membership cards. Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang isang estudyante matapos na masawi nang bumangga sa pader ang pinagpraktisan nitong motorsiklo sa Pikit, North Cotabato.Kinilala ni Chief Ins. Donald Cabigas, hepe ng Pikit PNP na si Ladylyn Tahid-Tahid, 24, 2nd year college student ng University of Southern Mindanao.

Ayon kay Cabigas, nagpapraktice raw ang biktima ng pagmamaneho ng motorsiklo kasama ang kapatid at bayaw nito sa loob ng Compound ng Pilot Elementary School ng Poblacion Pikit.Dahil hindi pa kabisado ni Ladylyn ang manibela, posible raw na napiga ng biktima ang accelerator ng motorsiklo at dumeretso ito sa pader.

Walang suot na helmet ang biktima kaya napuruhan ito sa ulo.

Isinugod pa ng kanyang kapatid si Ladylyn sa ospital pero ideneklara na itong dead on arrival ng mga doktor.

Matapos ang pangyayari narito naman ang paalala ni Cabigas sa publiko para hindi na maulit pa ang insidente. Patuloy ngayong nanawagan ang mga pamilya nina Sgt. Solaiman Calocop at Pfc. Samuel Garay sa New People's Army na palayain na ang dalawang sundalo na kanilang dinukot.Nabatid na personal na humingi ng tulong ang asawa ng dalawang sundalo na sina Jessa Mae Garay at Normalia Calocop sa Radyo Bida para manawagan.

Galing pang Buldon, Maguindanao si Mrs. Calocop habang galing Surigao naman si Jesas Mae na asawa ni PFC. Garay.

Nakatanggap na rin sila ng kumpirmasyon mula sa NPA na hawak nila ang dalawang sundalo.Hiling lamang ni Normalia Calocop na sana ay makausap nito ang asawa kahit isang minuto lang para matiyak na buhay pa ito at nasa maayos na kalagayan.Habang hiling naman ni Jessa Mae na sana palayain na ang asawa at huwag raw sang pagkaitan ng ama ang kanyang tatlong buwang ipinagbubuntis. Si Sgt. Garay at PFC Calocop na naka assign sa 39th IB ng Philippine Army na nakabase sa bayan ng Makilala, ay dinukot ng pinaniniwalaang New People's Army sa bayan ng Colombio, Sultan Kudarat noong February 1.

Pinaalalahanan ni Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista ang abot sa 325 na pares na ikinasal sa Kasalan ng bayan kahapon kasabay ng araw ng mga puso na huwag labagin ang Violence Against Women and Children o VAWC Law.Ayon kay Evangelista mahalagang magkaroon ng respeto lalo na ang mga mister sa kanilang asawa at mga anak.

Malimit kasing nagsisimula ang mga kaso ng domestic violence kapag nagsimulang manakit ang mister sa kanyang asawa at mga anak.

Hindi lamang ang pisikal na pananakit ang sakop ng VAWC.Kasali din dito ay ang emosyonal at maging pinansyal na aspeto ng pananakit.

Ginawa ng alkalde ang pagpapa-alala sa kanyang hangarin na maging mabunga at maayos ang pagsasama ng mga kinasal na nagmula pa sa iba-t –ibang barangay ng Kidapawan.Ang Kasalan ng Bayan kasabay ng araw ng mga puso ay sinamantala ng mga magsing-irog upang maging ‘legal’ na ang kanilang pagsasama.

Regalo naman ni Mayor Evangelista at maybahay nito na Si Marylene Evangelista ang picture frame at bayad ng kanilang cenomar.Samantala, sinamantala din ng abot sa 50 pares sa bayan ng Antipas ang Kasalan ng bayan na pinangunahan Ni Antipas Mayor Ekidio Ekis Cadungon.

Sa nabangit na seremonya binigyang diin ng Mayor Cadungon ang kahalagahan ng kasal ng bawat mag-asawa.Kalakip na dito ang pagpapaalala hinggil sa responsibilidad ng bawat mag-asawa.

Wala naring gastos ang mga magsing-irog matapos mailibre narin ng LGU ang lahat ng kanilang mga papeles.
Mas pinalalakas pa ngayon ng LGU MLang ang kanilang clean up drive campaign kontra mga lamok na may dalang virus sa bayan.

Ito matapos na makapagtala ang bayan ng abot sa 50 kaso ng Chikungunya mula noong Enero 2017.Ang nasabing bilang ay ikinaalarma ng mga Health Officer dahil wala namang naitatalang Chikungunya sa bayan sa dalawang nakalipas na taon.

Ayon kay Dr. Jun Sotea, Municipal Health Officer ng Mlang mga lamok din na nagdadala ng dengue at zika virus ang may dala din ng chikungunya virus.Dahil dito nagpapatuloy ngayon ang pagsasagawa ng fogging ng LGU sa Poblacion A at Poblacion B para mapuksa ang mga lamok.Inaasahan din ang dagdag na Aid mula sa DOH National at Region 12 para sa nasabing karamdaman na biglang tumaas ngayon sa bayan.Ayon kay Sotea, hindi naman nakakatakot ang Chikungunya kung maaagapan lang.

Payo ni Sotea sa publiko na palagiing malinis ang paligid at agad na linisin at tanggalin ang mga bagay na pwedeng pangitlogan ng lamok.Kung may lagnat na ay dapat palakasin ang immune system sa pamamgitan ng masustansiyang pagkain at agad na magpasuri sa doktor.Matatandaang una nang nagpalabas ng executive order si Mlang Mayor Atty Russel Abonado na ideklara ang araw ng biyernes para sa General Clean Up Day sa mga lugar na kadalasang napupugaran ng lamok na may dalang sakit.
Sinamantala ng mga kolurum na tricycle maging mga walang lisensyang driver ang pamamasada at pagbabyahe kasabay sa weeklong Anniversary ng Kidapawan City.

Dahil dito naglunsad ng operasyon ang Traffic Management Unit sa mga pangunahing daanan sa lungsod kontra mga pasaway na driver.Ayon kay TMU Head Rey Manar, nagresulta ang kanilang operasyon sa pagkakaharang sa 17 motorcycle habang apat naman na tricycle ang na-impound sa TMU.

Kadalasan sa mga nahuli ay walang lisensya, walang license plate, walang permit at ang iba ay mga kolurom na tricycle.Igiinit ni Manar na ang naturang inisyatiba ng kanilang tanggapan ay kanilang isinagawa matapos mapansin ang muling pagdagsa ng mga pasaway na driver at pagpapagitna na naman ng mg tricycle sa highway na sana ay dumaan sa linya ng mga slow moving vehicle.

Ayon kay Manar, mananatili ang mga TMU personnel sa kanilang mga pwesto sa Highway para magbantay para maiwasan ang mga aksidente o anumang disgrasya.

Marcos cites 6th ID’s peacebuilding efforts

COTABATO CITY - President Ferdinand Marcos, Jr., on Monday lauded the Army’s 6th Infantry Division for its unrelenting anti-terror campaign and...

PBBM urged Bangsamoro to vote in 2025 parliamentary polls

BARIRA, Maguindanao Norte — President Ferdinand R. Marcos Jr. urged the residents of the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM...

Barangay Kagawad patay, driver sugatan sa ambush sa Datu Hoffer, Maguindanao Sur

PATAY ang isang barangay kagawad habang nakaligtas naman ang driver nito matapos tambangan ng mga suspek sa Barangay Tuayan 1, Datu Hoffer,...

PBBM visits, honors soldiers hurt in clash with BIFF

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte - Seven soldiers who were wounded in an encounter with the Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) were...

PBBM to ex-rebels-turned-cops: Help write 'new chapter' for BARMM

MANILA – President Ferdinand R. Marcos Jr. on Monday welcomed the 100 former Moro guerillas who successfully completed the six-month field...