Monday Apr, 29 2024 04:43:25 PM

NDBC BIDA BALITA (12.24.16)

 • 17:34 PM Sat Dec 24, 2016
706
By: 
NDBC

NEWSCAST

DECEMBER 24, 2016 (SATURDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. Pahayag ni Duterte tungkol sa martial
law, inulan ng batikos

2. Iligal na nagbebenta ng mga paputok, pwedeng pagmultahin o kulungin ayon
sa Bureau of Fire Protection Koronadal City

3. Highway sa Maguindanao, sinara ng BIFF inaabangan daw nila ang pagdaan ng Army intelligence officers
HINARANG KAGABI HANGGANG KANINANG MADALING ARAW NG MGA MIEMBRO ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters ang bahagi ng highway na nag-uugnay sa mga bayan ng Talayan at Guindulungan, Maguindanao.Pinara ng mga BIFF ang tatlong malalaking truck at ginawang road blockade sa bahagi ng Barangay Bagan, Guindulungan, Maguindanao at kinuha ang mga susi nito.Inamin ni
BIFF spokesman Abu Misry na grupo nga nila ang nagsagawa ng road block sa
Maguindanao. Ito, aniya, ay para pigilan
sana ang pagdaan sa highway ng mga intelligence agents ng Philippine Army.

Gayunman, di
raw ito nangyari kaya’t binuksan nila ang highway, kaninang madaling araw, ayon
pa kay Misry. INAMIN NG ISANG MIEMBRO NG MAUTE group na naaresto ng pinag-sanib na pwersa ng Army at PNP sa Barira, Maguindanao na sangkot siya sa pagbomba sa DAvao City noong Sept. 2.Ayon sa dating miembro ng Antipolo PNP na si PO2 Jessy Original na kasama siya sa pagplano sa DAvao bombing pero nasa loob lang siya ng sasakyan di kalayuan sa Roxas night market.Si Original, kasama sina Arumpac Ibrahim Pandita, Hamsa Bagul, Musa Rasalam and Mohammad Said Jamla, ay inaresto ng joint Army at PNP forces sa Barangay Nabalawag, Barira kamakalawa. Nakuha mula sa kanila ang isagn IED at apat na granada.Ayon kay Maguindanao police director Senior Supt. Agustin Tello, ang mga naaresto ay miembro ng Maute terrorist group mula Butig, Lanao del Sur. Inamin ni Original na siya ay nagsilbing military trainor ng Maute group.Kinumpiska rin ng mga otoridad angwhite Toyota Tamaraw FX (ULB-358), a gray Mitsubishi Adventure (DSL-162), Mitsubishi Montero (AEX-783), Toyota Fortuner (TDQ-440), Toyota Fortuner (TQK-892) at Toyota Hi-Ace van na walang license plate. Abot sa P190
million pesos ang naging pondo sa Bayan ng
Makilala ngayong taong 2016.

Ang pondo ay
nanggaling sa kanilang Tax at Non-Tax Revenue na nagkakahalaga ng abot sa 22
million pesos o 11.59% at External Sources na nasa 69 million pesos o 88.35%.

Ito mismo ay
e prenisinta ni Makilala Mayor Rudy Caoagdan, sa isinagawang Round Table
Discussion ng Watch North Cotabato, kasama ang mga Media at Non- Government
Organization.

Anya, umaasa
lamang sila sa kanilang Internal Revenue Allotment o IRA na abot sa sa 88% mula sa kanilang general fund.

Dagdag pa
nito na inilaan nila ang nabanggit na pondo sa Personal Services na nasa
38.33%, samantalang 26.68% naman para sa Maintenance and other operating
Expense, Capital Outlay na .52%, Economic Development Fund 17.67%.

Kabilang pa
rito, ang Local Disaster Risk Reduction Management Fund at Gender Issues na tig
5%, Loans Payable na nasa 5.02%, Local Child Protection Council kasama ang
Senior Citizen and Person with Disability na tig .88% at ang Aid to Brgy na
abot sa 0.02%.

Layon ng
kanilang budget, ay ang pag papatuloy sa pagmintina sa Brgy. at Municipal
Street kung saan, mayroong mga erya na kanilang sinisemento.

At ang
ikalawa ang mga proyekto sa para sa agrikultura.

Nagsasagawa na ng
intellegence Monitoring ang Kidapawan city PNP laban sa mga suspek sa panibago
na namang insidente ng pagnanakaw sa Kidapawan city partikular sa combento ng
St Jonh Mary Vianney Parish sa Apo SAndawa Homes, Barangay Singao Kidapawan
city Kamakalawa.

Matatandaan na ito na ang
ikalawang pagkakataon na pinagnakawan ang combento kong saan natangay ng mga
kawatan ang collection money at ilang mga gamit ng simbahan.

Ayon sa PNP, nakapasok
umano ang mga kawatan sa pamamagitan ng pagsira sa Window grills at sliding
window sa Likurang bahagi ng combento.

Pinuntirya ng mga suspek
ang kwarto ni Father Alfredo Palomar Jr. Siyang parish Priest ng nasabing
Simbahan.

Natangay mula sa kanyang
kwarto ang collection money ng simbahan na abot sa 16 thousand pesos.

MAging ang pera ng pari
na abot sa 10 thousand pesos ay di rin pinalampas ng mga kawatan.

Walang
nakikitang mali ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagtanggap ng
Pilipinas sa P720 milyong weapons grant mula sa China.

Iginiit ni
AFP public affairs office chief Col. Edgard Arevalo na pinatunayan lamang ng
China sa kanilang alok ang matagal nang samahan nito at ng Pilipinas.

Bukod dito,
naniniwala si Arevalo na wala namang kapalit na mga kundison ang nasabing alok
ng China na inaasahan pang malaki ang maitutulong sa Hukbong Sandatahan.

Ayon kay
Defense Sec. Delfin Lorenzana, kabilang sa mga ibibigay ng China ay mga fast
boats, drones, night vision goggles at communications equipment, bagaman hindi
pa nila tukoy kung gaano karami. Inaasahan na ang pagbaba ng bentahan ng paputok sa Koronadal City hindi lamang dahil sa kampanya ng gobyerno kontra pyrotechnic devices kungdi dahil sa kakulangan ng supply nito. Ito ay ayon kay Koronadal City Firecracke Vendors Association President Jomel Alo. Ayon kay Alo huminto ng produksyon ang kanilang mga supplier dahil sa pahayag noon ni Pangulong Rodrigo Duterte na bawal ang mga paputok. Sinabi ni Alo na nangangamba kasi ang mga fire cracker manufacturer na hindi maibenta ang kanilang mga produkto ngayong Disyembre. Ayon kay Alo, marami ring mga gumagawa ng firecracker ang tumigil ng production dahil sa stoppage order ng Department of Labor and Employment o DOLE noong Oktobre. Ito ay matapos ang pagsabog sa dalawang mga pagawaan ng paputok sa Bulacan na ikinasawi ng magiina at ikinasugat ng maraming iba pa. Sinabi ni Alo na sa ngayon ay matumal din ang bentahan ng paputok sa lungsod. Umaasa naman sila ayon kay Alo na makabawi sa bagong taon. Ayon kay Alo possible ring tumaas ang presyo ng mga paputok sa Koronadal City dahil sa kakulangan ng supply nito. Tulad ng misa de gallo sa nakalipas na siyam na araw dalawang beses ding gagawin ang Christmas Eve mass mamaya sa Christ the King Cathedral sa Koronadal City. Ito ay ayon kay Saint Anthony Parish Media Reporter Valme Mariveles.Ayon kay Mariveles, inaasahan na kasi ng simbahan ang pagdagsa ng mas maraming mamamayan sa misa sa bisperas ng Pasko. Ipinahayag ni Mariveles na ang unang misa ay magaganap alas otso mamamayang gabi. Ito ay pangungunahan ni Diocese of Marbel Bishop Dinualdo Guttierez.Ayon kay Mariveles ang ikalawang misa ay gagawin naman alas dyes ng gabi. Hinikayat ni Mariveles ang mga mananampalatayang katoliko na sumama sa pagsalubong sa pagdating ng messiah sa pamamagitan ng pagsimba. Sa pamamagitan nito ayon kay Mariveles ay maipapadama ng bawat mamamayan ang pagmamahal sa bawat isa. Tiniyak ni Koronadal City Fire Marshall Reginald Legaste ang maigting na monitoring sa mga nagbebenta ng paputok ng Bureau of Fire Protection o BFP sa Koronadal City. Layon nito ayon kay Legaste na matiyak ang kaligtasan ng mamamayan laban sa illegal iligal na paputok. Sa katunayan ayon kay Legaste kabilang sa ginagawa ngayon ng BFP ang surprise inspection sa palengke na madalas pagbentahan ng mga illegal firecrackers. Sinabi ni Legaste na bago pa man ang holiday season sinimulan na ng BFP Koronadal ang kanilang mas pinaigting na kampanya kontra paputok. Aminado naman si Legaste na dahil naging modus na ilang mamamayan ang palalagay ng mga bawal na paputok sa mga package, hirap ang BFP na mamonitor ang mga ito. Gayunpaman ayon kay Legaste lahat ay ginagawa ng BFP upang maityak na hindi makapapasok sa lungsod ang mga iligal na paputok. Binigyan diin ni Legaste na ang sinumang mapatunayang iligal na nagbebenta ng paputok ay maaring makulong ng mula isa hanggang anim na buwan o pagmultahin ng mula P1,000 hanggang P6,000. Hindi na umabot pa sa Pasko ang isang gwardiya sa bayan ng Tantangan, South Cotabato. Ito ay matapos mabaril at mapatay kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Tantangan Chief of Police, Chief Inspector Verlin Pampolina ang biktima na si Rolando Del Solor Jr. . Ayon kay Pampolina si Del Solor na nakamotorsiklo pauwi na sa Barangay Maibu, Tantangan ay binaril ng nakasunod sa kanyang riding tandem na mga suspek. Naganap ang krimen sa national highway, Barangay Dumadalig, Tantangan. Sinabi ni Pampolina na katatapos lang magtrabaho bilang gwardiya sa Municipal Hall ni Del Solor ng siya ay paslangin. Ayon kay Pampolina, posibleng personal na alitan ang motibo sa krimen. Sinabi ni Pampolina na ang pinatay na si Del Solor ay hindi sangkot sa iligal na droga. Ang biktima ay dead on the spot dahil sa multiple gunshot wounds. Narekober ng mga pulis sa crime scene ang 11 basyo ng 45 pistol. Nagpasalamat si Overseas Workers Welfare Administration o OWWA 12 OIC Marlyn Jamero sa kanilang mga Public OFW Desk Officers o PODO. Sinabi ni Jamero na malaking tulong sa pagbibigay ng serbisyo ng OWWA sa mga OFW ang mga PODO. Ayon kay Jamero, maari kasing idulog ng mga OFW at kanilang pamilya sa PODO ang kanilang hinaing sa OWWA. Nabatid na maliban sa pagpapadali ng tulong, nagbibigay din ng payo sa mga OFW ang mga PODO. Ito ang dahilan kung bakit ayon kay Jamero, isinailalim din ng OWWA sa capability training ang kanilang mga PODO sa region 12. Nabatid na ang mga PODO ay kinuha at sinuwelduhan mismo ng mga lokal na pamahalaan bilang suporta sa OWWA. Ayon kay Jamero sa buong region 12 dalawalang mga local government units na lamang ang wala pang PODO. Umani ng mga pag-batikos ang naging
pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan, na nais niyang maamyendahan
ang Saligang Batas upang mabago ang probisyon sa kapangyarihan sa pagpapatupad
ng martial law.

Sa naging pahayag ng pangulo, nais
niyang maging solong kapangyarihan na lamang ng pangulo ang pagdedeklara ng
martial law para hindi na kailangang idaan pa sa Kongreso at Korte Suprema,
tulad ng nakasaad sa kasalukuyang Konstitusyon.

Isa sa mga bumatikos kay Duterte ay
mismong si Vice President Leni Robredo, na sinabing ang banta ng panunumbalik
ng martial law ang pinakamasamang regalo sa mga Pilipino ngayong panahon ng
Kapaskuhan.

Ayon pa kay Robredo, nakababahala na
sinusubok ni Pangulong Duterte ang democratic safeguards sa ating Konstitusyon,
na sinumpaan niyang susundin noong siya ay mahalal.

Isa aniya itong insulto sa mga
Pilipinong nakaranas ng martial law sa ilalim ng diktadurya ni dating pangulong
Ferdinand Marcos.

Ayon naman kay Magdalo Rep. Gary
Alejano, dapat mag-ingat ang publiko sa mga pahayag ni Duterte, at dapat ring
tandaan na nag-mistulang virtual dictator ang pangulo sa Davao City noong
siya pa ang alkalde nito, kung saan libu-libo ang nasawi sa hindi malamang
kadahilanan.

Aniya pa, mayroong dictatorial tendency
si Duterte kaya lagi nitong inuungkat ang isyu ng martial law, at posibleng
dahilan rin kung bakit pinayagan niya ang paghihimlay kay Marcos sa Libingan ng
mga Bayani.

Para naman kay Buhay Rep. Lito Atienza,
nauunawaan nila ang nais sabihin ng pangulo ngunit hindi nila maaatim na
mangyari muli ang martial law.

Naniniwala naman si Cagayan de Oro Rep.
Maximo Rodriguez na hindi hahayaan ng Korte Suprema na mangyari ito dahil isa
itong kataksilan sa Saligang Batas.

Ayon naman kay Sen. Grace Poe, mali ang
katwiran ni Duterte sa paghahangad na baguhin ang Konstitusyon, lalo na kung
ang layunin lang niya ay ang maipanalo ang laban kontra iligal na droga.

Graduation ceremony ng MILF, MNLF police recruits, pinangunahan ni P. Marcos

PARANG, Maguindanao del Norte - PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang graduation ceremony ng unang batch ng mga Moro combatants na...

Cotabato Light announces power service interruption for May 2

COTABATO CITY - Please be informed of the scheduled power interruption affecting Upper Dimapatoy, Awang D.O.S. on Thursday, May 2, 2024, from 8:00 AM...

Political alliances of former archrivals unfolding in BARMM

COTABATO CITY - Ang dating magkakalaban ngayon nagtutulungan. Sa isang pambihirang pagkakataon nagyakapan, nagkabati at magkasama na sa isang...

NDBC BIDA BALITA (April 29, 2024)

NEWSCAST 1   P. MARCOS, bibisita ngayong sa Maguindanao del Norte, at Pikit, North Cotabato 2   MGA PARTIDO pulitikal sa...

3 finalists ng Miss U Ph, napili na

ISULAN, Sultan Kudarat - Tatlo sa mga kandidata ng Miss Universe Philippines ang napili bilang finalists ng best in national costume sa ginanap na...