Tuesday Apr, 30 2024 06:26:46 AM

NDBC BIDA BALITA (3.28.17)

 • 17:58 PM Tue Mar 28, 2017
733
By: 
NDBC

NEWSCAST

MARCH 28, 2017 (TUE)
7and00 AM

HEADLINESand

1. BOMBA,
sumabog sa gate ng municipal hall ng Talayan, Maguindanao isa pang bomba na
itinanim sa Tamontaka Bridge, maswerteng hindi sumabog.

2. AWAY ng dalawang pamilya sa Carmen,
North Cotabato na nag-iwan ng anim kataong patay, humupa na sa tulong ng LGU,
mga pulis at sundalo.

3. ANAK ng barangay kagawad at isa pang
kasama nito, arestado sa drug buy bust operation ng mga pulis sa isang lodge sa
Koronadal City

4. Davao taxi, natagpuan sa Pikit, North Cotabato. Driver nito missing. Maswerteng
walang tinamaan at nasugatan sa pagsabog ng isang Improvised Explosive Device o
IED sa gate ng Municipal hall ng Talayan, Maguindanao pasado alas sais kagabi.

Agad namang
kinordon ng Talayan PNP sa pangunguna ni Police Sr. Insp. Jun Olis at ng tropa
ng Army’s 19th Infantry Battalion ang lugar.

Sinabi
ni Army’s 19th Infantry Battalion commander Col. Roberto Sarmiento na patuloy
pa ring inaalam ng Explosives and Ordnance Disposal Team kung anung uri ng
bomba ang sumabog. Ayon
kay Sarmiento, posibleng kagagawan ng mga grupo na kumukontra sa mga programa
ng pamahalaan ang naturang pagpapasabog. Nabatid
na katatapos lamang kasing ilunsad ang Masa Masid Program sa lugar kahapon
kasunod naman ng pagsasagawa doon ng peace summit. Samantala,
napigil ng mga otoridad ang pagsabog ng isang bombang may kakayahang
makapaminsala at pumaslang.

Agad kasing
rumesponde ang mga pulis mula sa police station 3 ng Cotabato city matapos
makatanggap ng ulat kaugnay ng natagpuang IED sa police detachment sa Tamontaka
Bridge dakong alas otso kagabi. Sinabi
ni Police Station 3 commander Police Sr. Insp. Rustum Pastolero na natagpuan nila
sa lugar ang bomba na nakalagay sa isang plastic container.

Nabatid
na ang IED ay gawa sa black powder at mga pako ang ginawang shrapnel. Mayroon
din itong small battery pack at cellphone ang ginamit bilang triggering device.

Matagumpay
naman na distrupt ng EOD team ang naturang bomba gamit ang water canon.

Teorya
ng mga otoridad, mga grupong kumakalaban sa gobyerno ang nasa likod ng nasabing
tangkang pagpapasabog. AGAD NA
INILIBING ng kanilang mga kamag anak ang bangkay ng mag asawang tinamaan ng
kidlat sa kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan nitong Linggo ng hapon sa
Sultan Kudarat, Maguindanao. Kinilala
ng Sultan Kudarat PNP ang mga nasawi na sina Kabasalan Mangkulan, 80 taong
gulang, magsasaka at ang misis nitong si Maisa Minula kapwa residente ng

Barangay
Nalinan, Sultan Kudarat, Maguindanao. Sa
ulat ng pulisya pasado alas singko ng hapon
kamakalawa nang madatnan ng kanilang mga kamag-anak ang dalawa sa loob
ng kanilang bahay matapos na tamaan ng kidlat ang mga ito. Matatandaan
na nakaranas ng malakas na buhos ng ulan kasabay ng malakas na hangin ang
Cotabato province, Maguindanao at Cotabato city nitong weekend kung saan may
mga punong-kahoy at poste ng kuryente ang natumba na nagresulta sa mahabang
brownout.

NADAKIP ng Upi PNP ang isang wanted person na dalawang taon ng
nagtatago sa batas dakong alas kwatro ng hapon kahapon sa Brgy. Nuro, Upi,
Maguindanao. Kinilala ang naaresto na si Alvin Barron alyas Tats, 43 years old, may
asawa at taga Barangay Blensong ng nasabing bayan. Inaresto si Barron sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge
Jordan Reyes, acting presiding judge ng RTC 11 judicial region, branch 24, sa Koronadal
City, noong December 2, 2015. Si Barron ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9287 ang
batas laban sa illegal number games.

Sa ngayon, nakakulong na sa lockup cell ng Upi PNP ang suspek. Samantala, arestado rin ng mga otoridad si Conrado Sarinas, 61 anyos, taga
barangay Gayonga, Northern Kabuntalan, Maguindanao pasado alas singko ng hapon
kahapon sa kanyang bahay.

Inaresto si Sarinas sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge
Bansawan Ibrahim, ng RTC Branch 14, sa Cotabato City.

Sa ngayon, nakakulong na si Sarinas sa Northern Kabuntalan PNP detention
facility. Tiniyak ni
Cotabato city Mayor Frances Cynthia Guiani-Sayadi na suportado ng lokal na
pamahalaan ng lungsod ang mga programa para sa kababaihan sa syudad.

Ito ang inihayag
ni Sayadi ng culmination ng activity ng Women’s Month celebration ngayong buwan. Kaugnay nito,
hinimok ng opisyal ang Sangguniang Panglungsod na madaliin ang pagpapasa ng
Gender and Development code. Ito ay para
mabigyan ng sapat na pagkilala ang kakayahan ng mga kababaihan at pagpapalakas
pa ng kanilang mga angking abilidad.

Aniya, nasa
dalawampung porsiento pa lamang sa legislative at executive branch sa Cotabato
city na ang mga humahawak ay mga kababaihan. Kaya hinimok
nito ang lahat ng sektor ng kababaihan sa syudad na lalo pang palakasin ang
kanilang kalagayan.

Maliban dito,
ay pinatutukan din ng opisyal ang kaso ng violence against Women and children o
VAWC.

Mahigit 32 thousand pamilya sa region 12 gradute na sa 4Ps ayon sa DSWD 12.
Kaya ng ng mahigit 32,000 pamilya na tustusan ang pangunahing pangagailangan ng hindi na umaasa pa sa tulong ng gobyerno.Ayon kay Departement of Social Welfare and Development o DSWD 12 Coordinator Naifa Balindong , ito ay batay naman sa kanilang assessment sa mga ito.Sinabi ni Balindong na ilang taon matapos makinabang sa 4Ps bumuti na ang kabuhayan ng maraming 4Ps beneficiary.Ito ang dahilan kung bakit ayon kay Balindong tinanggal na ang mga ito sa talaan ng mga benepisyaryo ng 4Ps.Nabatid na ang region 12 ay mayroong mahigit 250,000 na 4Ps beneficiary.
Makikinabang sa prorama ang pamilya na mayroong 18 anyos pababa na mga anak.
Ang bawat pamilya na benepisyaryo ng programa ay tumatangap ng tig P500 na health grant at tig P300 sa bawat anak.Nauna nang kinumpirma ni DSWD 12 Regional Director Bai Zorahayda Taha, na simula ngayong Marso, makatatanggap naman ng tig P600 na buwang rice subsidy ang mga 4Ps beneficiary.
Makatutulong sa ekonomiya ng SOCCSKSARGEN abg pagkakaroon ng Philipine Airlines o PAL ng direct flight sa pagitan ng General Santos City at Cebu.
Ito ay ayon kay Department of Tourism o DOT 12 Regional Director Nelly Nita Dillera .Ang mga mamamayan na dadaan ng General Santos City Airport papuntang Cebu ay maaring sumakay sa alas 10:20 ng umaga na flight tuwing Martes, Huwebes at Sabado.Ito ay bukod pa sa alas 2:40 ng hapon sa tuwing Lunes, Myerkules, Byernes at Linggo.
Ayon kay Dillera ang pagbubukas ng bagong flight ng PAL ay patunay lamang sa patuloy na pagunald ng SOCCSKSARGEN.Ipinahayag ni Dillera na unang unang makikibang dito ang industriya ng turismo dahil mas madali nang makakapunta sa region 12 ang mga taga Cebu.
Bukod dito ayon kay Dillera magiging gateway na rin ng mga turista na pupuntang kalakhang Maynila at Cebu ang region 12.Sa pamamagitan nito ayon kay Dillera ay mas madali nang mapasama sa mga tour packages ang mga tourist spots ng SOCCSKSARGEN.
Maliban sa mga magagandang tanawin isinusulong din ng DOT ang cultural at farm tourism sa region 12. Pinatunayan ng 26 na mga Persons with Disability o PWD sa Koronadal City na hindi hadlang ang kanilang mga kapansanan upang magsumikap sa buhay.
Ito ay matapos sanayin ng City Social Welfare and Development o CSWD sa wood furniture making.Ayon kay CSWD Officer Mary Jane Martha Gabucan, ang training ay magtatagal ng limang araw.
Umaasa si Gabucan na makatutulong ang pagsasanay para mahasa pa ng mga PWD ang kanilang kasanayan sa paggawa ng mga kasangkapan para magkaroon ng dagdag na kabuhayan.
Ayon kay Gabucan ang mga PWD na sinasanay ngayon sa wood furniture carving ay sinanay na rin ng CSDWDO sa paggawa ng bamboo craft noong nakaraang taon. Aprubado na ng Sangguniang Panlalawigan ng South Cotabato ang Executive Order ni Mayor Honey Lumayag-Matti na nagaatas sa pagbuo ng Technical Working Group o TWG para gawing lungsod ang bayan ng Polomolok.Ayon kay Matti, layon nito na matiyak na masusunod ang mga nakasaad sa local government code.
Base sa probisyon ng Local government code maaring gawing lungsod ang isang bayan o clustered barangay kung nakapag-generate ito ng hindi bababa sa P100 million na revenue sa dalawang magkasunod na taon.Ito ay nalagpasan naman ng Polomolok na nakapagtala ng mahigit P327 million pesos annual income noong 2014 at mahigit P368 million noong 2015.
Ang Polomolok na isang first class municipality ay isa sa pinakamayamang bayan hindi lamang sa South Cotabato kungdi maging sa buong Mindanao.Aminado naman si South Cotabato OIC Provicial Treasurer Alvin Batol na malaki ang mababawas sa revenue collection ng pamahalaang panlalawigan kapag tuluyan nang naging lungsod ang bayan ng Polomolok.
Gayunpaman ayon kay Batol, ang pagsulong sa Polomolok para gawing lungsod ay maituturing paring palatandaan ng patuloy na pagunlad ng lalawigan,
Dinagdag din nito na nakapagambag pa rin naman ng malaki sa kaban ng lalawigan ang iba pang bayan sa South Cotabato
Matapos ang ilang araw na pagmamanman tuluyan nang napasakamay ng pulisiya ang dalawawng mga notorious na drug pusher at user sa Koronadal City.
Kinilala ni Koronadal City PNP Deputy Chief of Police, Chief Inspector Jomero Sentinta ang mga suspek na sina Richie Dapulang at Roland Austria.Kinumpirma ni Sentinta na si Dapulang na anak ng isang Barangay kagawad ay kabilang na noon sa mga sumuko sa Oplan Tokhang ng PNP.
Nakuha sa mga drug suspek ang tatlong medium sachet at isang big pack ng suspected shabu, isang pack ng dried marijuana leaves at drug paraphernalia.Ayon kay Sentinta sina Dapulang at Austria ay pawang mga high value target at matagal nang minamanmanan ng pulisiya
Ang mga suspek ay naaresto sa drug buy bust operation ng mga pulis sa loob ng Taj Mia Lodge, sa Osita, Subdivision ,Barangay Zone 2, Koronadal.
Inihahanda na ng Koronadal city PNP ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act laban sa mga naarestong drug pusher at user. Umalma ngayon ang ilang netizens kaugnay sa pagtaas ng permit Fee na inanunsyo ng Protected Area Management Board o PAMB sa pagbubukas ng Mt. Apo Natural Park.

Base sa Facebook Page ng Mindanao Mountaineering Federation nasa dalawang libo na raw ang permit fee sa pag-akyat sa Mt. Apo sa regular season at mas mataas ito kung ikukumpara sa 1500 pesos noon.

Pero nilinaw naman ni Kidapawan City Tourism Officer Joey Recimilla na walang nagbago sa rate ng pag-akyat ng Mt.Apo.

Aniya, 2015 pa inaprubahan ng PAMB ang nasabing rate at nagsimula na ring mangolekta ng permit fee ng nasabing halaga bago ito nasunog noong MArch 2016.

Samantala, hindi naman raw pera pera ang dahilan kaya binuksan ang Mt. Apo kasunod ng malawakang Forest Fire noong nakaraang taon.
Ayon kay recimilla, hindi naapektuhan sa sunog ang Cotabato Side at ang Davao side lamang.

Ilang rason rin ng PAMB kaya binuksan sa mga trekkers ang Mt. Apo.

Una, isa ito sa Main tourist Atrraction sa Mindanao, pangalawa, bubuksan raw ito at sa hindi marami pa ring illegal trekkers na umaakyat sa Mt. Apo at panghuli ay ang presensya ng mga illegal loggers at hunters kaya kailangan itong mamonitor at bantayan.Matatandaang inanunsyo ng PAMB na bubuksan ag Mt. Apo sa mga trekkers sa April 12, 2017.

Bukas naman ang lahat ng mga Travel Agency sa Kidapawan City para sa mga nais tumuklas sa ganda ng Mt. Apo.

Lilimitahan lamang sa 50 climbers kada araw ang pwedeng umakyat sa bundok na bibigyan lamang ng dalawa hanggang tatlong araw na pamamalagi doon. Sumampa na ngayon sa anim katao ang napatay sa pagsiklab ng girian ng dalawang pamilya sa brgy. General Luna, Carmen, North Cotabato.

Ito ang kinumpirma ni Major Calvin Macatangay, spokesperson ng 602nd Brigade ng Philippine Army s DXND radyo Bida.

Kinilala ang mga namatay sa panig ni Kalawan at Kumander Akmad na sina USTADZ ODIN BALA, MESI BALA at KING KABAMBALAN habang sa Pamilya Matalam naman ay sina ZUKARNO MAGUID, LAWAN LAKMAN, MAKUNGAN LAKMAN.

Ayon kay Macatangay pumagitna na ang Carmen LGU kasama ng PNP at militar sa dalawang pamilya para matigil na ang nasabing bakbakan.

Dahil kasi sa ilang araw na palitan ng putok ay nagresulta ito ng paglikas ng pitong pamilya sa lugar.
Sinabi ni Macatangay na naging positibo naman ang pagtugon ng Pamilya Cua at Pamilya Matalam sa hiling ng mga otoridad at unti-unti nang bumalik sa kanilang lugar sa Pagalungan, Maguindanao at Kabacan area.

Pansamantala naman munang mananatili sa sentrong bahagi ng barangay General luna ang mga lumikas na pamilya hanaggang tuluyan ng maging tahimik at payapa ang kanilang lugar.Una nang sumiklab ang girian ng dalawang pamilya matapos nilang parehong inaangkin ang plantasyon ng oil palm at mais sa nabanggit na lugar.

Sa ngayon kontrolado na ng militar ang Brgy. General Luna habang patuloy naman ang kanilang ginagawang monitoring para hindi na maulit pa ang nabanggit na insidente. Sa halip na kasalan ang pupuntanhan hospital naman ang bagsak ng 11-katao matapos masangkot sa Vehicular Crash partikular sa Skyline Resort ng National Highway ng Brgy. Greenhills, Pres. Roxas.Kinilala ang mga sugatan na sina Pie Oribawan, 65, Lorna Rabaya, 51, Renato Rabaya, 49, Ronel Silamboy, 16, Efren Manlapinday, 15, Gia Oribawan, 7 anyos parehong mga taga Brgy. Cabalantian, Arakan Lelia Sinorio, 22, Arnold Maglinte,3 anyos, Cristine Sinorio, 47, Nilo Sinorio, 57, ng Brgy. Karidtuan, Kabacan at Elmer Lucino, 46 na taga Brgy. Kilada, Matalam.Nabatid sa report na sakay ang mga bitkima sa isang multicab na may license late na MUP 725 na minamaneho ni Jowel Billones, 37 anyos, na taga bayan ng Kabacan.

Nabatid na patungo sana sa isang kasalan ang mga biktima sa bayan ng magpet sakay ng multicab.

Lumabas sa imbestigasyon ng PNP na habang binabaybay nila ang Highway mula Arakan at pagdating sa bahagi ng Skyline Resort ay nag malfunction umano ang brake, dahilan para maaksidente ang sasakyan.
Dahil dito, sugat at pasa ang tinamo ng mga biktima sa ibat ibang bahagi ng kanilang katawan na agad namang isinugod sa pagamutan.

Paalala ngayon ng mga otoridad sa lahat ng mga driver na palagiing i check ag mga sasakyan kung babyahe lalo nat marami itong mga sakay na pasahero para makaiwas sa disgrasya.
Mas pinalalakas pa ngayon ng Mlang PNP ang kanilang pagbabantay at monitoring sa mga nagsasagawa ng drag racing sa bayan.

Ito matapos bawian ng buhay ang isang 16-anyos na lalaki nang maaksidente habang nagpapraktice ng drag race sa Tawan-Tawan Airport sa brgy. Tawan Tawan Mlang noong gabi ng biyernesKinilala ang biktima na si Ronie Bornasal.

Sinabi ni Supt. John Meridel Calinga, hepe ng Mlang PNP, base sa kanilang imbestigasyon may nakatakda raw na drag racing ang biktima kaya nagpapraktice.
Nangyari ang insidente habang pinapatakbo nito ang kanyang HONDA XRM sa runway at lumagpas ito sa sementadong bahagi na naging dahilan naman ng kanyang aksidente.Dahil limitado lang ang ilaw sa lugar ay hindi napansin ng biktima ang daanan dahilan ng kanyang pagkakabagsak.

Matinding sugat ang tinamo ng biktima s akanyang ulo at katawan na agad namang isinugod sa pagamutan.Pero ilang minuto ang nakalipas ay binawian din ng buhay ang menor de edad.

Nakikipag-ugnayan na ngayon ang Pikit Municipal Police sa may-ari ng Fiesta taxi sa Davao City matapos marekober ang isa sa kanilang unit sa brgy. Gokotan, Pikit North Cotabato.Sinabi ni Chief Ins. Donald Cabigas, hepe ng Pikit PNP, isang tawag ang kanilang natanggap kaugnay sa nakitang Taxi sa nabanggit na barangay.Agad naman nila itong pinuntahan at sinuri ang area.

Dahil dito, napag-alaman na pagmamay-ari ng Fiesta Taxi Davao ang puting Toyota Innova na nakapangalan kay Ricardo Santiago.Base sa kanilang imbestigasyon posibleng kinarnap ang nabanggit na sasakyan.

Wala na rin ang driver sa area na marekober ito.Nabatid na pinakyaw raw ang naturang Taxi mula sa Davao Airport noong sabado at hindi na nakabalik at hindi rin mabatid kung nasaan na ang driver ng sasakyan.Ayon kay Cabigas posibleng mga taga Pikit lamang ang responsable sa krimen dahil sa liblib na bahagi ng brgy. Gokotan, iniwan ang taxi.Di rin matukoy ni Cabigas kung malaking grupo ang nasa likod nito dahil wala naman raw damage ang sasakyan ng marekober ito.Ang insidente ay patuloy ngayong iniimbestigahan habang hinihintay rin ng PNP ang tawag mula sa may-ari ng Taxi para makuha na ito sa kustodiya ng Pikit PNP.

Marcos cites 6th ID’s peacebuilding efforts

COTABATO CITY - President Ferdinand Marcos, Jr., on Monday lauded the Army’s 6th Infantry Division for its unrelenting anti-terror campaign and...

PBBM urged Bangsamoro to vote in 2025 parliamentary polls

BARIRA, Maguindanao Norte — President Ferdinand R. Marcos Jr. urged the residents of the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM...

Barangay Kagawad patay, driver sugatan sa ambush sa Datu Hoffer, Maguindanao Sur

PATAY ang isang barangay kagawad habang nakaligtas naman ang driver nito matapos tambangan ng mga suspek sa Barangay Tuayan 1, Datu Hoffer,...

PBBM visits, honors soldiers hurt in clash with BIFF

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte - Seven soldiers who were wounded in an encounter with the Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) were...

PBBM to ex-rebels-turned-cops: Help write 'new chapter' for BARMM

MANILA – President Ferdinand R. Marcos Jr. on Monday welcomed the 100 former Moro guerillas who successfully completed the six-month field...