Pekeng dentista sa Cotabato City, inaresto ng CIDG-BARMM
COTABATO CITY - HULI sa isinagawang entrapment operasyon ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG-BARMM ang isang pekeng dentista sa bahagi ng Rosary Heights 7, Cotabato City.
Base sa ulat ng CIDG-BARMM sa pangunguna ni Lt. Colonel Ariel Huesca, napag-alamang wala itong lisensya at patunay na hindi ito otorisadong bumunot ng ngipin.
Ang nasabing pekeng dentista ay isang babaeng hindi na pinangalanan, 27-anyos at residente ng syudad.
Nakuha mula sa suspek ang mga kagamitan nito tulad ng Light Curing Instrument, dalawang set ng Brackets, mouth petractor, wire cutter, isang set ng ortho cement paste, enchant gel, dalawang set ng elastomeric rubber at isang nite archwire.
Sa ngayon, kulong na ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9484 o illegal practice of dentistry.