KIDAPAWAN CITY - Nasa siyam na miyembro ng Dawlah Islamiyah ang nasawi sa offensive operation ng militar sa Liguasan marsh kahapon ng madaling araw.
Bukod dito, ayon kay 602nd Civil Military Operation Officer Captain Dexter Ruma, may sampo rin ang naiulat na sugatan at inaalam na kung saang pinakamalapit na ospital isinugod.
Umatras ang terorista sa gitnang bahagi ng Liguasan matapos ang limang Oras na air and ground assault ng militar.
Dahil dito, mayroong isangdaan na mga pamilya ang lumikas mula sa Barangay Dalgan, Pagalaungna, Maguindanao Del Sur.