SUGATAN ang isang kasapi ng militar nang pagbabarilin ng misis nito pasado alas 8:00 ng gabi nitong Linggo sa kanilang tahanan sa Purok 1, Brgy. Brgy Guiling, Alamada, North Cotabato
Kinilala ni Alamada town police chief Major Bernard Abarquez ang biktima na si Sgt. John Harvey Utanes Oandasan, 36-anyos na nakatalaga sa 6th Field Artillery Battalion ng army sa 6th Infantry Division sa Awang, Maguindanao del Norte.
Habang kinilala naman ang suspek na si Edna Miranda Oandasan, nasa hustong gulang, asawa ng nasabing sundalo.