DATU ODIN SINSUAT, Maguindanao Norte - Abot sa P6.8 million na halaga ng shabu ang nakumpiska sa tatlong mga drug suspects sa drug buy bust operation sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte kanina.
Kinilala ng PDEA-BARMM ang mga naaresto na sina Sam, taga Columbio, Sultan Kudara, Faisal ng SPDA at Jayson na taga Tawi-Tawi.
Naaresto sila sa buy bust operation na isinagawa ng PDEA-BARMM sa Barangay Tamontaka, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte kaninang tanghali.
Nakuha sa mga ito ang 1,000 grams ng shabu na may halagang P6.8 million.