COTABATO CITY - PATAY ang isang sundalo habang patuloy namang ginagamot sa ospital ang kasamahan nito matapos silang pagbabarilin ng motorcycle-riding gunmen sa Cotabato City kahapon.
Sa report ng City PNP, nakilala ang nasawi na si Corporal HERMINIO BELANO, 29 anyos, may asawa, at taga San Mateo, Isabela.
Sugatan naman ang kasama nitong si Corporal PACIFICO OBILLO, 32 yrs old, may asawa, at taga Balaoan, La Union.
Ang dalawa ay pawang mga miembro ng Army’s Special Forces 10th Company.