TANTANGAN, South Cotabato- Natupok kahapon ang isang bahay sa Barangay Poblacion sa bayang ito dakong alas 4:40 ng hapon.
Sinabi Fire Inspector Russel Basuel, Tantangan municipal fire marshall, ang natupok na bahay ay pag-aari ni Melbert Villabando.
Ayon sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP-Tantangan), may pinuntahan ang Villabando at iniwan sa kanyang bahay ang kanyang batang anak na hindi kinilala sa report.
Dahil umano maraming lamok sa kanilang lugar ay nagpausok ang bata. Hindi naman nito namalayan na lumaki na apoy.