ARAKAN, North Cotabato -- Apat ang nasawi kabilang na ang isang buntis sa nangyaring sunog sa Sitio Little Baguio, Barangay Meocan, Arakan, North Cotabato.
Sa panayam ng Radyo-Bida kay Arakan BFP SFO2 Ronald Valle, nangyari ang sunog sa bahay ni Ronie Monteser, 44-anyos, dakong ala-1:45 ng madaling araw kanina habang natutulog ang mga biktima.
Kinilala ang mga nasawi na sina Ronie Monteser,44 years old ang anak nitong buntis na si Mary Jean, 19 at ang ka-live-in na si Rainheart Carugda at ang isang taong gulang na bata.